I'll Never Go

2.7K 85 18
                                    



VIC



Kakauwi ko lang ngayon ng Pilipinas galing sa States. 5 years na rin ako dito, pero parang ang dami ko pa ring naiwan sa Pilipinas. Mapa-bagay, alala, pati tao. Kamusta na kaya siya? Tanga mo kasi, Vic. Iiwan-iwan mo tapos magrereklamo ka? Tsk. Sana masaya siya, kahit hindi na ako ang dahilan.




Anyway, nasa airport ako ngayon at susunduin ako ng mga kaibigan ko. Grabe, sobrang na-miss ko yung mga mokong na yun.




Papalapit na ko sa kanila at narinig kong nagsalita si Kim. "Oo nga. Pag hindi ka kinausap, pepektusan ko yon."




Hay nako. Brutal pa rin si Wafs. "Sinong pepektusan mo?"




Napalingon silang lahat sakin. Nakakatawa mga itsura nila hahaha.




"Victonaraaaaa!"




"Bwiset ka, na-miss ka namin!"




"Big time ka na talaga!"




"FO!"




"Kambal!"




Yan ang mga narinig ko sa kanila. Ang saya ko at makakasama ko na ulit sila, since I'm staying here for good.




"Ikaw! Ikaw ang pepektusan ko!"




Panira si Kim, bwiset. Feel ko na yung love eh. Umiral nanaman ang pagka-brutal.




"At bakit naman, Kimmydora?" nakataas kilay kong sabi.




"Pag di mo kinausap si Mika, pepektusan kita."




Nang marinig ko ang pangalang iyon, agad siya hinanap ng mga mata ko. At hindi naman ako nabigo, dahil nakita ko siya. Mas gumanda pa siya at lalong sumexy. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang balikan.




Inakbayan ko nalang si Mika. "Hala. Pwede ba naman yun? Na-miss ko kaya 'to!"




Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Ako rin nga nagulat eh.




"Mas na-miss kaya kita, daks." Did she just....did she just call me daks? KINIKILIG AKO SHET. Pwede na ko mamatay. Joke lang, wag muna. Babalikan ko pa 'tong daks ko 'no. Asus, landi.




Naki-ride nalang ako at dinaan sa biro ang gusto ko talagang sabihin. "Hindiii, mas na-miss nga kasi kita!"




Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "Pinaka-miss nga kita."




Vic wag kang mamula utang na loob. Huhuhu.




"Ang kulit mo. Piiiiinaka-miss nga kita!" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ano bang ginagawa ko jusko. "Aangal ka pa?"




Nakita kong napaatras siya ng bahagya at napalunok, pero nilapit ko lang ulit ang mukha ko sa kanya. Damoves ba kamo? Hahaha.




Pero syempre, may panira.




"Leave space for the Holy Spirit, leave space for the Holy Spirit........"




Sino pa ba? Edi ang nag-iisang Kim Fajardo!




"Hoy nandito pa kami! Mga bastos! Pigilan niyo nga muna ang HD niyo sa isa't isa!" bulyaw ni FO. Inggit lang yan. Edi gawin niya kay Kimmy! Haha joke.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon