Love Me Again (Vic)

2.6K 70 7
                                    



VIC

I felt a tear fall from my eye. "Kasi ikaw lang talaga noon, Ye eh. I-ikaw lang t-talaga."




At ikaw pa rin, hanggang ngayon.




Ay bwiset na konsensya. Ugh. I can't believe we're talking about this right now. Hindi talaga ako ready eh. Heck, I never even thought na mapaguusapan pa namin ng matino 'to.




Napayuko nalang siya. She's speechless, I know. And she's crying too. "Ara, can you love me again?"




Napatingin ako sa kanya, she's looking at me now.




I sighed. "I'll tell you a story, Miks."




*FLASHBACK - 2 months ago*




Nasa BGC kami ni Bang at niyaya niya akong kumain.




"Kain tayo? Treat ko." sabi niya.




"Game! Saan mo gusto?" Tutal, nag-iingay na rin naman ang mga alaga ko. Haha.




Napaisip siya sandali. "McDo tayo! G?" McDo....Jollibee....Jollibee! Favorite restaurant ni M---ah Araaa. Stop it.




"Hellooo? Earth to Vic?" Her hands were waving in front of me.




Natauhan naman ako. "A-ah, sige. G!" Hinila na niya ko sa McDo at nag-order na kami. Habang kumakain, masaya naman siyang nagk-kwento tungkol sa buhay niya. Buti pa siya, masaya. Tumatango-tango nalang ako at ngumingiti paminsan-minsan para alam niyang nakikinig ako. Ang lalim lang talaga kasi ng iniisip ko eh.




Pagkatapos kumain, pumunta kami sa isang toy store. Kumuha siya ng isang malaking teddy bear at hinarap ito sakin. "Gusto mo?"




Nakuha naman ng bear ang atensyon ko. Hinawakan ko ito at tinitigan.




- Flashback -




"Daks, gusto ko nun!" Turo niya sa isang bear. Ang cute nga naman kasi.




Natawa nalang ako. Para siyang bata pero cute naman eh. "May magagawa ba ko?" natatawa kong sabi at kinuha ang bear.




Pinigilan naman niya ko. "Oppps. Anong ginagawa mo?"




"Um...bibilhan ka ng bear?" nagtataka kong tanong.




Napakamot siya sa ulo. "Sabi ko lang, gusto ko niyan. Hindi ko naman sinabing bilhin mo, daks! Pwede naman tayo maghanap sa iba. Ang mahal oh, P1200!"




Yan ang gusto ko sa kanya eh. Kahit sinabi niyang gusto niya ang isang bagay, pero let's say hindi afford, edi wag nalang daw muna. Kasi mas marami pa naman daw importanteng gamit na pwede bilhin. Oh diba?




Inakbayan ko siya at hinalikan sa noo. "No, Miks. Bibilhin ko 'to para sa'yo. Uhmm....thank you gift!"




Kumunot naman ang noo niya. "Thank you para saan?"




Nginitian ko siya. "For being the best girlfriend ever."




- End of Flashback -




Bago pa magtaka si Bang kung anong nangyayari sakin, nagsalita na ko.




"Wag na, baka mahal eh. Tsaka pwede umuwi na tayo? Medyo masama rin kasi pakiramdam ko eh." sabi ko at binalik ang bear sa patungan.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon