Speak Now

3.5K 97 17
                                    



MIKA

"Guys, ready na kayo?" tanong ni Camille. Pupunta kasi kami sa isang orphanage na tumatanggap ng volunteers para tumulong o makipaglaro sa mga bata every week.




"Ready!" sabay sabay naming sabi ni Cienne, Kim, at Carol. Sumakay na kami sa kotse at nang makarating kami, dumiretso kami sa mismong ampunan. Nag-ikot muna kami.




Nakita naming may playground at may mga kwarto para sa mga bata. Meron ding canteen hehe nagutom tuloy ako. Joke lang mamaya na nga yan HAHAHA. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang Music Room. Hindi naman ako marunong tumugtog ng instruments at hindi ako magaling kumanta, pero parang nama-magnet ako sa kwartong iyon.




"Uhm guys, una na kayo dun sa loob. Tingnan ko lang yung Music Room." paalam ko sa kanila.




"Sige, Miks. Sunod ka nalang ah." sabi ni Cienne.




Pumasok ako sa loob at namangha ako. Ang laki ng kwarto at may mga music notes na naka-paint sa pader. Pero may narinig akong tumutugtog ng piano and I recognized the tune kaya mahina akong napakanta.




"Ang bagyo ng tadhana ay

Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sayo"




Lumapit naman ako at sinuri siya. Di ko gaanong makita ang mukha ng babae dahil nakayuko siya pero maiksi ang buhok nito at medyo boyish siya manamit.




From: Kimmy

Miks, nandito na kami sa loob. Pag tapos ka na diyan, punta ka lang dito. May mga kasama kaming bata. Ingat, baka maligaw.




Loko talaga 'to si Kimmy haha. Babalik na naman sana ako pero dahil curious ako sa babaeng 'to, I stayed. Mukhang narinig niya ang pagkanta ko, shet nakakahiya. Nakatingin lang siya sakin habang tumutugtog pa rin. Ganun ba kapangit boses ko? Huhuhu. Tumingala siya at.....ngumiti? Tumingin ako sa likod ko kasi ayoko magmukhang assuming pero wala namang tao, so siguro ako nga yun. She signaled for me to continue singing.




"Ba't hindi mo sabihin

Ang hindi mo maamin

Ipauubaya nalang ba' 'to sa hangin

Wag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako't nakikinig sayo"




Okay, ba't may something sa tiyan ko nung ngumiti siya? Hala?




"Hi, I'm Mika. Mika Reyes. And you are?"




Pero bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at iniluwa itol si Carol. "Miks, tawag ka na nila Ci---"




Ngumisi siya. "Ay sorry nakaabala ata ako. Uhm hi, pwede ko bang mahiram si Mika?"




Tumango siya. Pwede ba dito nalang ako? Ay, ano daw? Wala akong sinabi. Wala.




Nginitian ko nalang siya. "Nice to meet you. I gotta go, see you later?"




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon