MIKA"Long time...."
Sino pa ba ang nabangga ko? Edi ikaw. How could I forget na kahit magkalaban kayo ni Aly sa court nung college, ay close pa rin naman kayo? Tsk. Sana hindi nalang ako pumunta.
Ngumiti ka ng pagka-tamis tamis kaya napangiti na rin ako, kahit ayoko.
"Kamusta ka na?" tanong mo. Nakakainis. Nakakainis ka. Kung umasta ka naman parang walang nangyari dati; parang hindi mo ko sinaktan.
"Ayos lang."
Sobrang lakas ng tugtog sa venue, pero mas malakas pa tibok ng puso ko. Ang awkward. As in.
"Kayo pa rin ba?"
Napatingin ako sayo. "Paano mo nalaman na kami?" curious kong tanong. Tsaka bakit ba may paki ka? Eh hindi naman tayo best friends diba. Akala ko nga lang kasi yun.
Napaiwas ka ng tingin. "Uh...nabalitaan ko lang. Buti naman at staying strong pa kayo." Ngumiti ka pero alam kong pilit yun. Ano ba Vic. Ugh.
"Hmm. Staying strong nga." Totoo naman ang sinabi ko pero bakit parang may pagalinlangan?
Ang ingay nga dito sa party, pero pakiramdam ko binabalot kami ng katahimikan.
"Best friend..."
Natigilan ako. Hindi ako makapaniwalang tinawag mo ako ulit nun. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, o ang magiging reaksyon ko. Sasaya; kasi may pag-asa pa ulit? Magagalit; kasi kung umasta ka parang walang nangyari? O malungkot dahil baka saktan mo ulit ako?
Bigla mo akong niyakap. "Na-miss kita."
Napapikit ako at naramdaman kong tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Sinubukan kong umiyak ng tahimik para hindi mo mapansin. Ngunit nang yakapin mo ko ng mas mahigpit, hindi ko na napigilan. Ibinaon ko ang ulo ko sa balikat mo at umiyak.
"Na-miss kita." Mas lalo naman akong umiyak nang ulitin mo ang sinabi mo. Hindi ko talaga alam kung umiiyak ba ko sa tuwa, dahil na-miss mo ako. O umiiyak dahil may kirot sa puso ko nang tawagin mo akong best friend. Ewan ko na. Gulong gulo na ko.
"Na-miss din kita."
Sa dalawang taon nating hindi pagkikita, sinabi ko sa sarili kong hindi na kita mahal. Pinilit ko ang sarili kong makapag-move on at natutunan kong mahalin si Kiefer. Pero ngayong nandito ka na ulit, isa lang ang napagtanto ko.
Ikaw pa rin talaga.
Totoo nga ang sabi nila. Pag mahal mo ang dalawang tao, hindi pwedeng pantay o patas lang. Hindi mo man agad matukoy kung sino, meron at merong mas lamang dun sa isa. At ikaw yun.
Sa ilang taon nating hindi pagkikita, naalala mo man lang ba ako? Naisip kung okay ako, o kung anong ginagawa ko?
"Tahan na, Miks." Hinagod mo ang likod ko at bumitaw sa yakap.
"Nakakainis ka!" Pinagpapapalo kita sa braso pero tinawanan mo lang ako.
"Bakit?" natatawa mong sabi at pinunasan ang luha ko. Sinamaan lang kita ng tingin. Ewan ko rin ba't ako naiinis sayo eh.
"Alam mo, sa ilang taon nating pagkakaibigan...ngayon lang kita nakitang umiyak." Wow ha, napansin mo pala yun? Ewan ko kung kikiligin ako o ano eh.

BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionA compilation of Ara Galang and Mika Reyes (KaRa) one shots. Hope you like it! This is only for those who are open minded, so no hate please.