Somewhere Down The Road

2.7K 82 24
                                        



[A/N: You can play the song 'Somewhere Down The Road' by Nina (maganda version niya) while reading the story. Ulit-ulitin niyo lang hanggang matapos kayong magbasa. 😁]

Minsan lang dumating ang pag-ibig. Minsan mapapansin mo, minsan hindi. Darating ito kung kailan hindi mo inaakala. Paano kung hindi ka handa?

VIC

Siga ako, kahit babae ako. Maangas. Gwapo raw. At minsan mayabang. Pero kahit ganito ako, may kahinaan ako; ang best friend kong si Mika. Suplada, ayaw ng may nangingialam sa kanya. Pero kahit ganun yun, maganda siya at mabait pa. Palagi niya akong sinasabihang kesyo magtino na ako, kesyo bawasan ko ang pagiging maangas. Pero tinatawanan ko lang siya, ang cute niya kasi magalit. Lalo siyang gumaganda, mas lalo ko siyang minamahal.




Babae siya, babae ako. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ko siya pwedeng mahalin. Mapipigilan ko ba? Eh si Mika yun eh. Ano pa bang hahanapin ko? Tsaka hindi naman niya malalaman eh, at wala rin akong balak sabihin sa kanya. Para saan pa, diba? Best friend lang naman ang tingin niya sakin.




MIKA

Suplada akong babae. Ayoko ng maaangas; ayoko sa mga mayayabang; at ayokong pinapakialaman ako. Ang pinaka-ayaw ko ay yung mga siga at maaangas na feeling gwapo diyan pero hindi naman talaga gwapo. Pero may isang taong nakakaya kong tiisin at hindi ko makayang iwanan. Si Vic; ang best friend kong siga. Oo, siga siya. Oo, maangas siya. Pero hindi yun feeling gwapo 'no, kasi gwapo naman talaga siya. Tsaka kahit ganun yun, mabait yun. Maalaga rin. Araw araw niya akong sinusundo pagkatapos ng klase at ihahatid pa ako sa bahay bago siya mag-training.





Hilig ko siyang pagalitan kasi tuwing gagawin ko yun, tatawanan niya lang ako at sasabihing "Ano nanaman ginawa ko ngayon?" Kapag naririnig ko ang tawa niya, napapangiti ako at mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi pwede eh, best friend lang kasi ang tingin niya sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang araw, papasok na ako sa gate ng school nang makita ko sila ng tropa niya sa labas.




Nilapitan ko siya. "Uy, anyare sayo? Ganyan itsura mo?"




Si Kim, ang kaibigan niya, ang sumagot. "Napaaway kami eh." tipid niyang sagot habang hawak pa rin ang labi niyang dumudugo.




Haaay nako. Basagulero talaga 'tong mga 'to. Okay lang naman sakin kung hindi mapigilan ni Vic ang hindi pagiging maangas, kasi mabait naman siyang tao eh. Pero ito ang ayoko eh, yung napapaaway siya palagi.




Bumaling ako kay Vic. "Sabi sayo magtino ka na eh. Ilang beses ko bang sasabihin sayo...babae ka pa rin. Oo, kilos lalaki ka pero mas malalakas pa rin sila sayo."




Napakamot nalang siya sa ulo. "Eh kasi naman. Ang yayabang, kala mo kung sinong kega-gwapo."




"Bakit? Hindi ka ba ganun?" Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya natawa naman ako. "Joke lang, 'to naman. Pero promise mo sakin, wag ka nang makikipag-away."




"Okay lang naman ako, Miks. Wag ka na mag-alala." sabi niya pero bakas naman sa itsura niya na mahapdi pa rin ang sugat.




"Mag-promise ka muna."




Napatingin siya sakin. "Na ano?"




"Na hindi ka na makikipag-basag ulo at makikipag-away. Tsaka hindi ka lalaban sa kanila. Kundi..."




K. Wala akong maisip na pang-blackmail. Hahaha.




Ngumisi siya. "Kundi ano?"




Our StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon