Migraine

2.7K 64 7
                                    



MIKA

"Psst. Mika." Napalingon ako nang tawagin mo ako.




"Oh?"




Nagulat ako nang bigla mo akong yakapin. "Yakapin mo nalang ako pabalik, please."




Ayan nanaman. Siya nanaman ang iniiyakan mo. Eto naman ako, ang best friend at taga-comfort mo. Heartbroken ka nanaman dahil sa ex mong iniwan ka. What's new? Alam niyo, hindi ko alam ba't palagi kang iniiwan ng mga nagiging girlfriend mo eh. Mabait ka, magandang-gwapo, basta lahat ng hahanapin usually sa isang tao nasayo na lahat. Ewan ko sa mga babaeng yan! Ang seswerte nga nila minahal sila ng isang tulad mo, iiwan pa. Kasi kung ako nasa posisyon nila, hinding hindi na kita pakakawalan.




Palagi mong tinatanong sakin kesyo saan ka nagkulang, kesyo may nagawa ka bang mali. At ang palagi ko lang sinasabi sayo ay wala kang pagkukulang, hindi lang talaga marunong makuntento ang ex mo. Pero paulit-ulit lang tayo, kasi uulitin mo lang din yung tanong.




May sablay nga lang; mahal kita. Oo, na-in love ako sa best friend kong alam kong hinding hindi ako mamahalin. Sa apat na taon nating mag-best friends, apat na taon na rin kitang minamahal ng patago. Nung una, ayoko pa tanggapin. Sinasabi ko sa sarili ko na best friend lang dapat kita sa paningin ko, hanggang doon lang. Pero sabi nga nila, love is an unstoppable force. Unstoppable nga, kaya hindi mo mapipigilan.




Kaka-break niyo lang ng girlfriend mo of 5 months. Habang iniiyakan niya ang ex mo, eto naman ako, gabi gabing nagdarasal na sana ako naman ang mahalin mo balang araw.




Yinakap kita pabalik. "Tama na yan. Ano nanaman nangyari?"




Palagi nalang ba ganito? Hanggang sandalan at iyakan mo nalang ba ako?




"H-hindi na niya ako mahal...." sabi mo. "Saan ba--"




"Hindi ka nagkulang, okay? Hindi lang marunong makuntento yang ex mo. Paulit-ulit ko namang sinasabi sayo yan, diba?" Napasapo nalang ako sa noo ko.




Tumango ka naman at yumuko, halatang malungkot pa rin.




"Libre nalang kita ng ice cream, game?" Nagningning bigla ang mga mata mo. Hinatak mo ko palabas at naramdaman ko nanaman ang kuryenteng dumadaloy sa mga ugat ko tuwing hinahawakan mo ko.




"O, ano gusto mong flavor?" tanong ko sayo, kahit alam ko naman ang sagot.




"Vanilla. Para maiba naman." Napatingin ako sayo.




"Ha? Eh ayaw mo yun diba?" nagtataka kong tanong. Favorite mo kasi yung chocolate, at hate na hate mo ang vanilla.




Inakbayan mo ako. "Eh favorite mo yun, diba? Kaya yun nalang. Parang thank you gift ba."




Ayan ka nanaman ehhh.




"Para saan?"




Ngumiti ka. "Kasi palagi mo kong cino-comfort. Palagi kang nandiyan para sakin."




Hay. Sa totoo lang, ang hirap magkagusto sayo. Dati, wala akong pakialam pag nginingitian mo ko. Wala akong pakialam pag inaakbayan mo ko. Wala akong pakialam sa mga tinginan natin. Wala akong pakialam pag hinahawakan mo ang kamay ko. Wala akong pakialam pag sweet ka sakin.




Pero ngayon, iba na.




Ibang iba na.




Ngingitian mo lang ako, automatic na mapapangiti na rin ako.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon