'Till It's Time

2.5K 74 27
                                        



VIC

"Daks, bagay ba?" tanong sakin ni Mika. Naalis ang tingin ko sa phone ko at napatingin sa kanya. Ang ganda ganda niya. Kung pwede lang talagang maging akin siya.




"Huy, daks? Tulala ka nanaman." Natauhan ako nang ikaway niya ang kamay niya sa harapan ko.




"A-ah, oo. Maganda ka." sagot ko, at binulong ang huling sinabi ko.




Pero buti nalang, may pagka-bingi 'tong best friend ko. "Ano sabi mo?"




"Sabi ko maganda ka sana, bingi lang." pang-aasar ko na ikinasama ng tingin niya sakin.




"Che! Halika na nga bayaran ko na 'to." Nauna na siyang naglakad sa counter, bitbit ang nabili niyang heels.




Heels para saan? Well, para sa wedding niya. Oo, ikakasal na siya. At oo, in love ako sa best friend kong ikakasal na kaya alam kong wala akong pag-asa. The first time I saw her way back in college, nagustuhan ko agad siya. Naging teammates kami at sa 5 years namin sa DLSU, patago ko siyang minamahal. Nandun ako tuwing heartbroken siya, nagve-vent siya tungkol sa ex niya, at pati na rin pag masaya siya.




We've been best friends for 8 years now. At sa 8 years na yun, hindi ko man maamin sa kanya ang nararamdaman ko, pinaparamdam ko pa rin sa kanya na mahal ko siya sa mga simpleng bagay.




By the way, I work as a wedding organizer. Tinanong na ako ng fiancé niyang si Kiefer kung pwedeng ako raw ba ang mag-organize. Kahit ayoko, um-oo ako. Alam kong masasaktan lang ako, pero wala eh. Nakapayag na ko eh.




"Tara na. Iniintay pa tayo nila Kim." aya ko sa kanya at lumabas na kami.




Nakipagkita kami sa kabarkada naming sila Kim, Cienne, Cams at Carol sa condo ko. At sinabihan ko silang magdala ng foods. Joke.




Lahat sila, alam nila ang nararamdaman ko kay Mika. Actually, halos lahat naman ng kaibigan ko alam eh. Si Mika lang talaga hindi. At wala akong balak ipaalam sa kanya. Para saan pa, diba? As if naman may magbabago sa nararamdaman niya pag sinabi ko. Hindi rin naman siya magiging akin eh. Tsaka ikakasal na siya in 3 weeks, so it's no use.




But Mika, even if I can't have you; and even if I can't make you mine, I'll be standing waiting 'till it's time.




"Guys, CR lang ako ah." paalam ni Mika at tumayo. Humarap silang apat bigla sa akin.




"Bully, ano na?" tanong ni Cienne.




"Anong ano na?"




"Yung wedding! Ikakasal na siya in 3 weeks. Paano ka na? Ikaw pa naman ang organizer." nag-aalalang sabi ni Cams.




"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at um-oo ka?" tanong ni Kim at napasapo sa noo niya.




"Alam kong masasaktan ako. Pero sasama ang loob sa akin ni Mika. Pinag-promise niya ako dati na ako ang magaayos ng wedding niya. Alangan namang hindi ko tuparin yun."




Magsasalita na sana si Carol nang naunahan siya.




"Tuparin ang alin?" Si Mika pala.




"Y-yung ano...promise ko kay Kim na ililibre ko siya. D-diba, wafs?" Pinanlakihan ko si Kim ng mata, para sakyan niya nalang.




Tumango naman siya at buti nalang naniwala si Mika.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon