Ikaw

2.7K 88 17
                                    



MIKA

"I'm Vic. And you are?"




"Mika. Mika Reyes."




"CUT!" Hay salamat, natapos na rin ang project namin. Pumunta ako sa backstage para kunin ang bag ko habang nagsi-uwian na ang mga kaklase ko pati na rin ang prof. Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya napalingon ako.




"Oh Vic, ba't di ka pa umuwi?" tanong ko.




"Hinihintay kasi kita......" sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabay na tayo umuwi?"




Kinuha niya bigla ang bag ko sa upuan.




"Huyyy! Ginagawa mo?" tanong ko. Nakakahiya naman kasi, ang bigat bigat nung bag ko tapos ipapadala ko pa sa kanya. Hindi pa nga kami ganun ka-close eh, kapal naman ng mukha ko.




"Mabigat kasi, baka mahirapan ka pa. Ako na dito." ngiti niya sakin. Ehhhh. Kinikilig ako.




Naglakad na kami palabas ng campus, at puro pang-aasar ang inabot namin. Athletes kasi kami ni Ara; siya sa basketball at ako naman sa volleyball. Kasama ang university namin sa UAAP kaya ayun, may pagka-sikatan na rin kami. At hindi ko nabanggit, pero may ship name kami na ginawa ng fans; "KaRa." Mi(Ka) + A(Ra) daw kaya ayun. Nung una, medyo nailang pa nga ako pero nang makatrabaho ko siya sa project na 'to, parang kinilig pa ata ako. Jusko. Tahimik kaming naglalakad nang napahingo siya bigla kaya tiningnan ko ito.




Ngumuso siya sa kanan ko kaya napalingon ako. Starbucks.




"Oh tapos? Ano meron?" tanong ko.




Napakamot siya sa ulo niya. "Ang slow! Gusto mo ba?"




Ayun naman pala. Sweet naman.




Actually, bigla akong nag-crave ng frappe pero magpapakipot muna ako. Nahihiya ako eh hahaha.




Nagkibit-balikat ako. "Ikaw bahala, kung gusto mo."




Pumasok kami sa loob at umupo muna ako sa table habang siya naman ay nag-order. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Ara at umiinom siya ng frappe.




Tumayo ako. "Tara?" Naglakad na ako pero tinawg niya ako kaya napalingon ako.




"Uhm may ibigay lang sana ako....." Nilabas niya ang isang kamay galing sa likod niya at may binigay sa akin. Caramel frappe. Yung favorite ko.




"Paano mo...."




She chuckled. "First day of classes. Binanggit mo na favorite mo yan."




Naalala niya pa yun? Awww. Eh ako nga, di ko maalalang sinabi ko pala yun. Huhu.




Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Tara na nga!"




Bakit ba kasi ang sweet niya? College na kami, pero kung kiligin ako dito para akong High School student na patay na patay sa crush niya. Simula nung pinagsama kami sa project na 'to, unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Pero hindi kami sobrang close, kaya hindi ko alam kung anong tingin niya sa akin. Naguguluhan din ako eh, sweet siya at nagpapakita ng motibo pero baka mapahiya naman ako pag umamin ako. Aist! Natotorete ako sa kanya.




Nakarating na kami sa bahay ko at pinindot ko na ang doorbell. "Uy salamat sa paghatid ah."




"Wala yun, ikaw pa 'no." ngiti niya sakin. Yung makalaglag panty na ngiti.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon