TRACK 5: OVER AGAIN (2018)MIKA
"Um Ye...." Natauhan ako nang tawagin ako ni Vic. Napansin kong nagroll na ang credits ng movie at nakayakap pa rin ako sa kanya, kaya agad akong kumawala sa yakap.
"Ay sorry...." nahihiya kong sabi at ngumiti ng pilit.
"Okay lang yun, ano ka ba." sabi ni Vic. Napansin kong nagtinginan si Jessey at Ria at parang.....kinilig? Luh.
"Uhm...wait padeliver lang kami ni Riri ng food. Bye." mabilis na sabi ni Jessey at hinila si Ria kung saan man.
"So....." she trailed off. Ano na pag-uusapan namin ngayon? Eto kasing si bf at Ria eh, iwan ba naman kami dito. Kala mo walang kaawkward-an na mangyayari, tsk.
"How are you?" How are you? Seryoso ka ba, Mika? Anong klaseng tanong yan! -__- I seriously need to learn how to deal with awkward situations.
"Hmm...I'm good. Ikaw, kamusta ka na?"
"Okay lang naman....."
AWKWARD SILENCE.
Pilit kong maging kalmado para hindi mahalata ni Ara na nate-tense ako. Pero sa totoo lang, parang nagrarambulan at may gyera yung puso at tiyan ko eh. May aircon naman, pero konti nalang pagpapawisan na ko dito.
"Mika, mahal mo pa ba ako?"
Lahat ng naramdaman ko kanina, nag-times ten pa nang marinig ko ang sinabi niya.
Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong unan at huminga ng malalim.
"Sa totoo lang, Vic? Oo. Mahal pa rin kita. It's been what, three years? Pero kahit ilang beses sabihin ng utak ko na wala na talaga, pilit pa ring sinasabi ng puso ko na mahal pa rin kita. Hindi ko nga alam kung paano ko nakaya yung magkasama tayo sa dorm for two more years after what happened nang parang walang nangyari. Hindi ko alam kung paano naging ganun kadali sayo ang hiwalayan ako. Minsan nga, naiisip ko, minahal mo ba talaga ako?"
Ayan na, lumabas na. Di ko na napigilan.
Mabilis naman siyang sumagot. "Syempre naman, Ye. Minahal kita ng sobra sobra, halos wala na atang natira sakin. Pero sorry kasi naging duwag ako, nagpadala ako sa selos, at inisip ko lang ang sarili ko. That time, kinain ako ng insecurities ko na hindi ko maibigay sayo ang kailangan mo. Nag-worry ako sa future natin. Paano kung hindi kita mabigyan ng pamilya? Diba, gustong gusto mo magka-anak? Nadala ako sa takot na baka hindi ko maibigay yun sayo, at iwan mo ko."
Napatingin ako sa kanya. All this time? Yun ang iniisip niya? "Akala ko ba....."
"Akala mo nakipaghiwalay ako sayo dahil lang sa selos ko kay Kiefer? No. Hindi naman ako ganun, Ye. Well, that's a factor na rin pero there's more to it. Natakot ako na pag sumaya ka kasama si Kiefer, baka ma-realize mong hindi mo kayang panindigan ang relasyon natin, kaya lalo akong nagselos. Pero nevertheless, I'm still so sorry. Alam kong 3 years overdue na 'to pero sorry talaga, Mika. I'm so sorry." naluluha-luha niyang paghingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionA compilation of Ara Galang and Mika Reyes (KaRa) one shots. Hope you like it! This is only for those who are open minded, so no hate please.