Hero

5K 96 23
                                    



VIC




"Vic, ready ka na?"




"Yes, Ma." sabi ko nalang.




Sa totoo lang? Hindi pa. Lumipat kasi kami ng bahay dahil nakakuha ng magandang trabaho si Daddy dito sa Manila, specifically near Taft. Kaya naman kailangan lumipat rin ako ng school, at saktong magco-college na rin naman ako kaya naisipan nila Mama sa DLSU nalang ako mag-aral. Don't get me wrong, I know this is an amazing school but that's the point. It's a great school and I feel like I don't fit in here. But if it's for my future naman, then let it be.




It's my first day in DLSU. And I'm nervous as ever. I checked the map of the campus. Ang laki talaga ng campus, mawawala ata ako dito. Sabi sa schedule ko, sa Henry Sy ang first class ko which is Physics. Patuloy kong dinadaanan ang mga pasikot-sikot sa campus nang may nakabangga ako.




"Ohmygod! My favorite shirt is ruined!"




First day palang, eto agad mapapala ko? Wag naman please. "Sorry, miss. Di ko sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako."




Tiningnan naman ng babae ang dalawa pa niyang kasama. "Walang magagawa ang sorry mo. Gwapo sana, may pagkatanga nga lang." sabay tawa nilang tatlo. Napayuko nalang ako.




"Shay, Trish, Reg. Tumigil nga kayo diyan. Isang beses pang lapitan niyo siya, makakatikim kayo sakin. Naiintindihan niyo?" napatingin naman ako sa nagsalita.




Halata namang nagulat ang tatlo at nautal. "Y-yes, di na m-mauulit." At tuluyan nang umalis.




"Sorry about that, bro. Kim Fajardo nga pala, ano pangalan mo?"




"Victonara Galang pero please, Vic or Ara nalang. Wag na wag mong bubuuin ang pangalan ko, hindi kita papansinin. Haha. Thank you nga pala." sagot ko naman.




Natawa naman si Kim. "Hahaha sige, Vic. Wag mo nalang pansinin yung tatlong yun. Ang yayabang kasi, kala mo sila may-ari ng school. Tsk."




"Talaga? Eh ba't parang takot sayo?" nagtataka kong tanong.




"Malakas ang tama sakin nung tatlong yun. Wala eh, pogi probs." Natawa kaming dalawa. "By the way, you look lost. You new here?"




"Oh, yeah. Actually, can I ask you where's the Henry Sy Building?"




"Straight ahead, then turn right." Tiningnan naman niya ang schedule ko. "Oh pareho pala tayo ng first class eh. Sabay na tayo, tara!"




Pagkarating namin sa klase, wala pa ang prof kaya medyo maingay pa. Nang dumating siya ay nagsimula na ang klase. Kaya mo 'to, Vic. Kaya mo 'to.




*FF*




Lunch na at magkasama kami ni Kim. Kala ko nga iiwan ako nito pagkatapos ng klase pero hindi. Nagtataka nga ako kasi mukhang sikat siya dito pero pinili niyang sumama sakin. Pero di na ko magrereklamo, para hindi naman ako magmukhang loner dito. Hahaha.




Nakaupo kaming dalawa at kumakain nang may narinig akong malalakas na tawa. Napakunot naman ang noo ko at mukhang napansin ito ni Kim. "Yan si Kiefer Ravena. At ang mga kabarkada niyang si Von Pessumal, Jeron Teng, Arnold Van Opstal at ang kapatid niyang si Thirdy. Mga jocks yan and let's say, babaero rin."




May dumating sa table nila. Matangkad, maputi at mala-anghel na babae. Napatulala naman ako sa kanya. "At siya. Siya si Mika Reyes."




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon