The Breakup Playlist: Track 3

2.2K 55 13
                                        

Continuation....

MIKA




"Hay salamat. Ang tagal mo ah." bungad sakin ni Jessey pagbukas niya ng pinto. Pumasok ako sa loob ng condo nila at naupo sa couch. "Ay kamusta yung reunion? Nandun ba siya?"




Naririnig ko naman yung mga sinasabi ni bf pero hindi ko magawang magsalita. Sobrang lutang ko, hindi ko alam bakit. Dahil nanaman ba sa kanya? It's been what, 3 years? Since huli ko siyang nakita. Siguro masyado lang akong nabigla sa pagkikita namin. Tama. Nabigla lang ako. Nothing more.




Natauhan nalang ako nang matamaan ako ng unan sa mukha. "Aray! Problema mo?"




"Dapat ata ako nagtatanong niyan. Anong problema mo? Hangin lang kausap ko dito oh." pagtataray ni Jessey.




Napasandal nalang ako sa couch. "Haaay. Ewan ko rin, bf."




"Ano ba kasing nangyari kanina? Tungkol ba kay Ara yan?"




Tumango ako. "Oo. Nakakainis siya. May kasama ba namang babae kanina? At sa harap ko pa talaga ah! Ugh nakakainis!"




Dahan-dahan akong nilingon ni bf at nanlaki ang mata.




"Oh? Tinitingin mo diyan?"




"Nagseselos ka!" sabi niya, parang isang batang naka-gets ng lesson sa Math.




"Ha? Hindi ah!" nalang ang nasabi ko.




Pero hindi niya pinansin ang pagtanggi ko, at sobrang focused pa rin sa kung ano mang bagay ang tumatakbo sa isip niya.




"Nagseselos ka....may gusto ka pa rin kay Ara! Gusto mo pa rin siya! Bulag ka ba bf?!" sabi niya at niyugyog pa ako sa balikat.




"Selos ka diyan? Selos your face! Hindi ako nagseselos okay! Naiinis lang ako kasi may kasama siyang babae. Yun lang." depensa ko. Pero parang pati ako mismo naguluhan sa sinabi ko.




Inirapan lang ako ni Jess. "You just defined selos, bf. Doesn't really make a difference." Aba't. Inenglish na ko ah.




"Whatever. Basta, hindi ako nagseselos."




She raised her hands. "Okay, whatever you say." Pero mukhang di pa rin siya naniniwala. "Kuha lang ako ng popcorn and chips for the movies ah."




Nag-plano kasi kaming mag-movie marathon since wala si Riri ngayon so bonding muna kaming dalawa. Napatingin ako sa TV at nakitang showing ang She's Dating The Gangster.




Linipat ko na ang channel, pero hindi ko pa rin naiwasang mapa-flashback.......




TRACK 3: ARE WE FRIENDS OR ARE WE MORE? (2013)




"Vic, wala ka na ba ibang gagawin kundi magmukmok?" Harsh na kung harsh, pero yan lang kasi ang ginagawa niya magdamag for the past two weeks.




Our StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon