Sorry

2.1K 64 24
                                    



VIC

"#WeLoveYouMikaReyes"




Yan ang nakita ko sa trending list nang nag-check ako ng Twiter. Naisip kong baka trip lang ng fans na magpa-trend ngayon, pero may kakaibang kutob ako kaya titingnan ko na sana nang may tumawag sakin.




"Vicky, kain na tayo." Si Bang pala, at hindi ko napansing dumating na pala yung food. Nandito kasi kami sa isang restaurant. Wala lang, gusto lang daw niya lumabas for dinner kaya pumayag ako. Wala rin naman akong ginagawa sa dorm eh.




"Yeah, yeah, sige. Mauna ka na. Wait lang." sabi ko habang nags-scroll pa rin sa mga tweets.




"Wow, KiefLy. From 0 to 100 real quick."




"Aly, you deserve someone better."




"Sorry Mika Reyes. Alyssa Valdez won 😂"




"Sayang kayo. Sayang na sayang talaga."





Napakunot ang noo ko sa huling tweet na yun. May picture kasi namin ni Mika. Sayang? Anong sayang?




"Baby." Napatingala ako.




"Kain na. Kanina ka pa nakabusangot diyan, ano ba kasi yan?" sabi niya at sinubukang sumilip sa phone ko. Ewan ko bakit, pero agad kong pinindot ang home screen.




"Wala, wala. Si Kim kasi, nangt-trip nanaman." sabi ko nalang at tinago na ang phone ko sa bulsa.




Pero habang kumakain, parang hindi talaga ako mapakali. Yung isang segundo, pakiramdam ko isang minuto. Yung isang minuto naman, parang nagiging sampu. Bigla akong nawalan ng gana gumala. Parang gusto ko nang umuwi agad.




Natapos kaming kumain ni Bang at palakad-lakad lang kami dito sa sidewalk ng food strip. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko isang sampung segundo ang nasasayang. At hindi ko mawari kung bakit.




"So ano, game?" Natauhan nalang ako nang tanungin ako ni Bang.




"H-ha?"




Huminga siya ng malalim. "Hay nako. Sabi ko, nagyayaya si Marleen sa Bora. Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala, baby."




"Um, siguro wag muna ngayon. Pero kung gusto mo, pumunta ka kahit wala ako. Sorry din, medyo masama lang pakiramdam." palusot ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. These past few days parang palagi akong nags-space out pag kasama ko si Bang.




Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha niya. "Ano? Masakit ba ulo mo? Nilalagnat ka ba? Anong masakit sayo? Kailangan mo ba ng gamot?" sunod sunod niyang tanong ay nilagay ang kamay niya sa noo ko.




Bigla namang may kumirot sa ulo ko.




*FLASHBACK*




"Kimmy, nasaan na si Vic?"




"Oyyyy hinahanap!"




"Tumahimik ka, Fajardo. Nasaan siya?"




"Chill. Nasa kwarto. Bakit, anong meron?"




"Wala lang. Hehe."




"Tsss. Dun ka na nga!"




Narinig kong may pumasok sa kwarto, pero hindi ko na tiningnan. Sobrang sakit lang talaga ng ulo ko. Parang kinakatay. Jusko.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon