TRACK 1: THE REUNION (2018)
MIKA
"C'mon, Miks. It's been what, 3 years? Ang tagal na nung huli tayong naglaro sa iisang team. Hindi mo ba na-miss yun?" pangungumbinsi sakin ni Carol.
"Tsaka para saan pa't bumalik kami dito ni Kambal galing sa States? This is what we came home for. Wag mo namang sayangin yung rare opportunity na 'to. Pleaseee." dagdag ni Cams at nag-puppy face pa.
I looked at all of them and they raised their eyebrows, waiting for an answer. I sighed.
"Wag kang pabitin. Hindi nakakatuwa." sabi ni Cienne. "C'mon. Para maging kumpleto na tayo."
Nginitian ko nalang siya at nagkibit-balikat. Hindi pa rin talaga kasi ako maka-decide eh.
Kim's eyebrows furrowed. "Speaking of kumpleto, nasaan na nga pala--"
"Sorry I'm late!"
Napatingin ako sa may pinto, at agad nawala ang ngiti sa labi ko.
Tumigil ang oras.
Lumakas ang tibok ng puso ko.
Siya lang ang nakikita ko.
Parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo.
..........
At nagdilim ang paningin ko.
Bago pa ko makagawa ng kung ano man, binaling ko na ang tingin ko kanila Kim.
"Ano ka ba, Ye. She's still part of our group. Wala kang magagawa. Tsaka naging magkaibigan din naman kayo, diba? Or should I say....magka-ibigan?" bulong ni Kim at tinaas-baba pa ang kilay niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan.
Nag-abot kami ng tingin. Kaya bago pa ko mawalan ng kontrol, mabuti pang umiwas na muna ako.
"Uhm, excuse me." I said and stood up to go to the bathroom.
Pumunta ako sa CR at humarap sa salamin.
"Kaya mo 'to, Mika. Wag kang magpapadala sa kanya. Hindi ka pwedeng ma-distract. Hindi ka pwedeng bumigay ng ganun ganun nalang pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Wala ka nang dapat pakialam sa kanya. Hindi mo na siya kaibigan. Hindi ka pwedeng mainis dahil may kasama siyang babae." Huminga ako ng malalim. "Hindi mo na siya mahal."
Lumabas ako at nakitang ako nalang pala ang iniintay nila.
"So, Vic. Ang kailangan nalang naman namin ay ang say niyo dito. Kayo nalang ang kulang. Ano na?" pilit maging seryoso ni Cienne pero halata namang naa-awkward siya sa sitwasyon namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionA compilation of Ara Galang and Mika Reyes (KaRa) one shots. Hope you like it! This is only for those who are open minded, so no hate please.
