Love Me Again (Mika)

3.2K 73 13
                                        



MIKA




"Ye! Gising na. May naghahanap sayo." yugyog sakin ni Kim.




Ughhh. Ang aga paaaa.




"Sino ba yan? Aga aga eh!" sabi ko at umikot sa kabila.




"Gusto mo ng 5 minutes? Edi matulog ka pa diyan! Basta sinasabi ko sayo 5 minutes nalang rin at lalayas na ang mahal mo!"




Napabalikwas ako ng bangon. "HA?! LALAYAS SI A--"




Nakita kong nakangisi lang si Kim. Bwiset! "O? Wala nga akong sinabing pangalan eh. Sino ulit yun, Miks? Si A--"




Hinampas ko siya ng unan. Ibuking ba naman ako? Buti kaming dalawa lang ni Kim ang nandito sa kwarto. Tsk.




"Sino ba kasi yun?" iritado kong sabi. "Tingnan mo, 7:00 palang oh. Istorbo!"




Tumawa siya ng mahina. "Hay nako, Ye. Si Kiefer naghahanap sayo."




"Ah eh...sabihin mo pababa na ko. Mag-aayos lang ako."




Ngumisi nanaman siya. "Istorbo pala, huh. Hindi naman ganyan reaksyon mo dati pag sinabi ko sayong ang naghahanap sayo si A---"




Tinakpan ko ang bibig niya. Anak ng. Ipagsisigawan pa sa mundo eh.




"Shhh! Bunganga mo, Kim! Kanina ka pa ah! Ano ba yan."




Tinawanan lang ako ng bruha. "Pero seryoso, Miks. Bakit mo kasi hiniwalayan?"




"Para sa ikabubuti naming dalawa yun, Kimmy. She seemed happier without me so I'll have to do the same without her." I sighed.




Napailing si Kim. "Alam mong hindi totoo yan. She's miserable without you. And Miks, you didn't give her a chance to ex---"




"Explain? There's nothing to explain. Ayoko nang pag-usapan 'to, Kimmy. Sige, baba na ko." pag-iiwas ko sa usapan at nagbihis na.




Nakita ko si Kiefer nakaupo sa couch at nagiintay. Kinakausap siya ng teammates ko maliban sa isang kumakain mag-isa sa table.




"Hi, Kief. Aga mo naman ata?"




Napalingon siya sakin. "Good morning, Miks! Here, I brought breakfast." sabi niya at binigyan ako ng paper bag ng McDo. Ang effort niya nga eh. Sabi ko sa kanya na hanggang friends lang maibibigay ko at sabi niya tanggap naman daw niya pero gusto pa rin niya mag-effort. Ang labo 'no? Parang nililigawan ako pero hindi. -_-




"Thank you. Ikaw naman, nag-abala ka pa. Kumain ka na ba?" tanong ko at kinuha ang paper bag.




"Sus, kunwari pa ayaw. Gusto naman. Tss."




Napatingin ako sa nagsabi. Hindi ko nalang pinansin. Napatahimik naman ang teammates ko, alam kong narinig din nila yun.




"Ah, kumain na ko sa dorm. May klase pa ko ng 8:15, I'll go ahead. Bye guys, bye Miks." sabi niya at bumeso sakin saka lumabas.




"Bye, Kief!" sabi ng teammates ko, maliban nanaman sa isa.




Napatitig nalang ako sa binili niya para sakin. Sausage McMuffin, orange juice and fries. I sighed. I'm thankful naman, but he really doesn't know me enough to even know my favorite breakfast meal in McDo. Sorry but seriously, fries for breakfast? Joke.




Our StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon