Pangarap Lang Kita

2.1K 61 18
                                        



VIC

Tik tok. Tik tok. Asan na siya? Ganitong oras siya usually dumadaan dito, pero ngayon wala pa rin siya.




"Oy Victonara!"




"Ay wala pa rin siya!"




-________-




Ngumisi ang kaibigan kong si Carol. "Sabi na nga ba eh. Siya ang dahilan kung ba't tulala ka nanaman diyan. Iniintay mo 'no?"




Inirapan ko lang siya. "Oo, malamang. Ang tagal kasi."




"Anong oras ba siya usually dumadaan?" tanong ni Justine.




"4pm." sagot ko habang naghahanap pa rin.




"Anong oras na ba?" tanong naman ni Carol.




"4:01." Napa-face palm silang lahat sa sagot ko. Sorry naman. Eh sa gusto ko na siyang makita eh. Hahaha.




Kung iniisip niyo anong ginagawa namin, nandito kami sa stall ng food business namin. No, hindi siya legit na negosyo; year-long project namin 'to for our course. Sinong iniintay ko? Ganito kasi yun. A month after nung nagsimula kami, there's this girl na palaging dumadaan sa harap ng stall namin everyday or minsan bibili pa nga. Hindi ko alam kung yun talaga ang route niya everyday, sinasadya niya yun kasi gusto niya yung products namin, pero kung ano man yung rason na yun, thankful ako. Crush na crush ko kasi siya eh.




Though, kilala ko siya. Mika Reyes. Volleyball player. UAAP heartthrob. Habulan ng mapa-lalaki, o babae. Mabait. Maganda. Matalino. Lahat na. Pero sa akin, ewan ko pero parang di niya ako masyado pinapansin. Kahit classmate ko siya sa ibang subjects ko. Nakita ko naman kung paano siya makitungo sa ibang tao; sobrang friendly. Pag bumibili siya sa amin, sinisigurado kong ako ang maga-accomodate sa kanya kahit hindi ko naman shift. Pero wala talaga eh. Parang wala lang ako. Samantalang kanila Justine, kala mo sobrang close nila!! Tss.




Pero ayun nga, kahit maging magkaibigan pa kami, alam kong hanggang dun nalang yun. Hanggang pangarap ko nalang siya. Kahit sa paningin ko eh siya ang buong galaxy, isang hamak na bitwin lang naman ako sa kanya.




Natauhan ako sa malakas na pagsiko. "Ano ba?!"




Hindi pinansin ni Majoy ang pagrereklamo ko. "Ayan na oh! Dali!"




Napatingin naman ako sa kung saan man siya nakatingin at nakita si Mika. Nasa harap na siya ng stall. Nakatingin siya sa menu. Omg. Nandito na siya!!! Shet. Nababakla na talaga ako. Nagala-Flash na ako kumilos at dali-daling pumunta sa harap ng stall nang may lalaking lumapit sa kanya.




"Uy, nandiyan ka na pala. Ano gusto mo?" sabi ni Mika nang salubungin siya ng lalaki.




"Kung ano nalang sa'yo, Miks." Aba'y. Sino naman 'tong lalaking 'to ha?! Natulala lang ako ng sandali kanina, may lalaki na bigla?? Anong kaguluhan ito?!




"Hmm, sige. Uhm dalawang BLT burger, large fries and dalawang iced tea. Thanks." Natulala nanaman ako nang tumingin si Mika sa mata ko. Nakaka-hypnotize naman kasiii! Ang ganda ng mata eh. Huhu.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon