Pansamantala

2.3K 61 14
                                    



MIKA

"Yeeee!!!"




"Ano nanaman?" malamya kong sagot. Magk-kwento nanaman siguro yan tungkol diyan sa Bangnita niyang yan.




"Sungit mo. Anyway, eto nanaman eh. Yung mentions ko sabog nanaman dahil sa Thomara."




"Oh anong gagawin ko? Gusto mo rin naman yan diba?" Medyo kinilig ako kasi ship ko sila ni Thom dati hahaha. Ang cute kaya. Pero ngayon, sa iba ko na siya ship eh. Sa akin na. Charot.




Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano baaaa. Tsk. Pero kasi nagsumbong sakin si Bang, nababastos na raw siya." Ahh. Si Bang nanaman pala ang pinoproblema niya. Palagi nalang, jusko!




"Vic, inuulit ko...anong gagawin ko?" sabi ko.




Napakamot siya sa ulo. "Ewan ko? Advice siguro? Paano ko sila patitigilin? Huhuhu."




Bakit ba siya sakin humihingi ng tulong? Eh kung tutuusin, mas okay na sakin yung kay Thomas siya nililink, kesa naman kay Bang, dahil nga hindi kami nagkatuluyan........Oops.




"Alam mo, Ara. Hindi mo sila pwede pigilan, pabebe yang mga yan eh. Joke lang." Natatawa kong sabi at pingpatuloy lang ang paglalaro ng Circle sa phone ko.




"Yeeeee! Seryoso kasi!!" reklamo niya naman.




Binaba ko ang phone ko at hinarap siya. "Alam mo, Vic, hindi mo sila pwede pigilan. Imagine, may dalawang tao kang shiniship kasi sobrang bagay sila, pag sinabi ba ng ibang tao na tigilan mo tingin mo gagawin mo talaga yun?"




Napaisip siya at umiling. "Hindi naman, diba? Ganun din sa kanila, dun sila masaya eh. Sa nakikita ko, wala naman silang nababastos. Siguro nababastos lang si Bang kasi nga shiniship ka sa iba, pero siya nga mismo nagsabi na okay lang sa kanya diba? So hindi mo sila masisisi."




I tried my best para iparating na nagpapaawa lang si Bang in the most polite way. To be honest kasi, most of us in the team din naiinis sa kanya minsan eh. Di ko nga alam dito kay Vic kung nasasakal na ba siya o ano.




Huminga siya ng malalim. And if it's as if she read my mind. "Hay. Alam mo, nasasakal na ko minsan eh."




"Oh? Edi gawan mo ng paraan. Kausapin mo siya." kaswal kong sagot. Kahit sa loob ay parang na-excite ako na ewan. Sorry naman haha.




Napasandal siya sa couch. "Eh alam mo naman yun diba? Sinabi ko na sa kanya dati na medyo nasasakal ako, pero nag-away lang kami."




"Hay nako. Basta subukan mo lang baka sakali lang naman maging okay na yan. It doesn't hurt to try." sabi ko, kahit parang ayokong magkaayos sila. Selfish na kung selfish, pero parang hindi na kasi maganda yung influence ni Bang sa kanya. And I'm not only saying this kasi gusto ko pa rin si Vic — oo, inaamin kong gusto ko siya hanggang ngayon — I just want what's best for her.




*****




"Oh, kamusta ang confrontation?" biro ni Kim pagdating ni Ara sa dorm.




Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon