Camille's POVTumakbo agad ako papasok sa kotse upang itago ang mala-kamatis kong mukha. Ano ba naman yan, kaunting dahilan kinikilig ka na self? Ang landi-landi mo naman.
Makalipas ang tatlumpung minuto, huminto na ang kotse sa harap ng bahay namin. Agad namang binuksan ni manang Soleng ang gate para makapasok ang kotse sa garahe. Nagpasalamat ako sa driver at pumasok na sa bahay.
"Oh anak, may sakit ka ba? Ba't ang pula-pula mo?" Nag-aalalang sambit ni mama. Kainis naman. Lumipas na ang ilang minuto namumula pa rin ako?
"Wala po akong sakit mama. Napagod lang ako sa mga gawain sa school." Pangangatwiran ko kahit wala naman talaga kaming ginawa sa maghapon.
"Oh sya, pumasok ka na sa kwarto mo at magbihis. Magpahinga ka na at papadalhan na lang kita ng Meryenda." Agad naman akong tumango at nagtungo sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay agad akong nagbihis at humiga sa malambot kong kama. Sarap naman sa pakiramdam. Makaidlip na nga....
********
Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko. Letse naman oh. Nananaginip pa ako eh. Panira talaga hayst.
Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang 26 missed calls ni Samantha. Aba! Ano na naman bang problema ng babaitang ito?
Binuksan ko nalang ang messenger ko para ichat siya dahil wala na akong pantawag. Aba'y napakatindi naman nitong babaeng to. Pati sa messenger tinadtad ako ng chats at voice messages. Anong problema nito?
Inisa-isa ko ang chats niya at napatalon ang puso ko sa huli niyang chat. Kinakabahan ako na kinilig. Anubayannn!!
Samantha Esguerra:
Huyyy hiningi ng kaibigan ni Matt ang number mo. May importante siyang sasabihin.
Ikaw ha! Di mo man lang sinabi na close kayo ni Dave.
Is this for real?! Hinihingi niya ang number ko?! Mama, papa magkakajowa na ako! CHAROT.
Syempre nagreply ako. Hindi kaya ako snob. Try niyong ichat ako para ma-witness niyo kung gaano ako ka-approachable at friendly.
Camille Jane Torres:
Bakit daw? Anong kailangan niya?
Ganyan nga Camille, kalma lang. Inhale, exhale. Whaaaahhhh! Wait lang! Kinikilig talaga akuee!!
Agad naman siyang nagreply.
Samantha Esguerra:
Ewan ko kung anong kailangan niya. Basta hinihingi number mo. Ang tipid ngang magtype. Sabi lang saakin "Camille's No.?"
Para namang binabayaran ang bawat letra dahil sa pagtitipid niya.
Ano? Ibibigay ko na number mo?
Wait? Ba't alam niya name ko? Stalker ko ba siya?
Camille Jane Torres:
Sige na. Ibigay mo na number ko. Siguraduhin mong importate yan ah.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
JugendliteraturMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...