Camille's POV
"Kuya Doms?!"
Bigla kong tawag kay kuya dahil sa gulat ko. Akala ko ba nasa Cebu siya kasama ni Dad?
"Jane? Why are you here?" Balik na tanong niya sa akin. Aba! Ako pa talaga ang tinanong niya ah! Sino kaya ang bigla ko na lang makikita dito kahit na ang alam ko ay nasa Cebu siya.
"Invited ako ni Dave, my boyfriend" parang nag-aalangan pa nga akong sabihin ang salitang 'boyfriend'. Pero kailangan kong sabihin dahil nasa harap namin sila tita Divina. Baka mabuking kami.
"Eh ikaw kuya Doms? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Cebu ka kasama si Dad?" Tanong ko sa kanya. Nginitian naman niya ako saka sumagot.
"Nag-paalam naman ako kay tito-papa na bibisitahin ko an Fiancee ko. Oh By the way Jane, I want you to meet Melissa, my fiancee" pagkatapos niyang sabihin yun ay inakbayan niya si Melissa. Ngumiti lang ako ng pilit at nakipag-beso. Tiningnan ko naman ang mga reaction ng tita Divina at Dave na nakikinig lang sa aming magkapatid at tama nga ako na sobrang naguguluhan sila. Pano ba naman kase, magkapatid kami tapos magkaiba ng apelyido.
"Camille is your younger sister, Dominic? How? I mean...magkaiba kayo ng apelyido?" Halata ang curiousity sa mukha at expression ni tita Divina.
"Ah! Ano po kase tita, half brother ko po si kuya Doms. Magkapatid po kami sa ina. Si tito Alton Chua po kase ang first husband ni mama kaso po naaksidente siya ng 5 months pa lang si kuya Doms. After a year matapos ang aksidente, nameet naman ni mama si Dad, which is Kristoff Torres. Ikinasal po sila ni mama at ako po ang anak nilang dalawa. Si Dad na po ang tumayong tatay ni kuya Doms. Hindi na po pinalitan ni kuya Doms ang apelyidong Chua mula sa tunay niyang father dahil yun na lang ang alaala niya dito" paliwanag ko naman sa kanila. Bigla namang napatango si tita Divina. Oh diba! Ang galing ko namang magpaliwanag. Pwede na akong maging kriminal. CHAROT
"I guess, parehas ko kayong magiging Daughter and Son-in-law" banat naman ni tita Divina. Nabulunan naman ako sa tubig na inabot ng yaya nila dahil kanina pa ako nauuhaw. Hanudaw! Lakas pala ng amats ng mudra ni Dave! Kaloka, Daughter-in-law agad?!
*********
Matapos naming kumain ng halos 3 hours ay inaya na ako ni kuya Doms na umuwi. Marami pa daw siyang gagawin at babalik na ulit siya bukas sa Cebu dahil may klase pa siya at kailangan siya ni Dad doon. Nagkuwentuhan pa kase kami nila tita Divina kaya inabot kami ng tatlong oras bago natapos ang Lunch. Hindi nga umimik si Dave sa tatlong oras na yun. Siguro awkward dahil masyadong sweet si Kuya Doms at Melissa sa harap namin. Selos na naman hayst...
Papalabas na sana kami ni kuya ng pinto ng biglang magsalita si Dave.
"Camille! Date tayo ngayon" shet anudaw?! Sinabi talaga yun ni Dave?
"A-ah ano kase...baka hindi ako nito payagan ni Kuya Doms hehe" palusot ko naman dahil sobrang nahiya ako sa malapad na ngiti ni tita Divina at sa gulat na ekspresyon ni Melissa.
"Its Ok Jane. Boyfriend mo naman si Dave kaya sumama ka na. Wag ka lang magpapagabi dahil ako ang mananagot kay mama kapag may nangyari sayong masama. Baka umuwi yun galing sa Cebu ng wala sa oras" natatawa niyang habilin sa akin.
"Yes Master!" Saka ako sumaludo na agad naming ikinatawa ni Tita Divina.
"You two are so cute. Sana ganyan din si Dave at Melissa ko" sambit ni tita Divina. Tiningnan ko naman si Dave na hanggang ngayon ay naka- poker face. Idol yata nito si lady gaga.
Si Melissa naman ay gulat na gulat sa sinabi ng mama niya. Gulat yarn dzaih?
*********
Matapos umalis ni kuya Doms ay narito na kami ni Dave sa Mall. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kanina pa niya hawak ang kamay ko. Kinikilig ako mga dzaih.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...