Chapter 25:Melissa

40 10 1
                                    

Camille's POV

"Dave?"

Nagulat ako ng makitang nasa harap ko ngayon si Dave. Amoy alak at bugbog sarado.

"A-anong nangyari sayo? Sinong may gawa niyan?" Nag-aalalang tanong ko ngunit hindi pa rin ako lumalapit sa kanya.

Dapat pabayaan ko na siya ngayon dahil sa sakit na naidulot niya sa akin, pero hindi ko kaya. May malaking parte sa akin na ayaw siyang iwanan sa pagkakataong ito.

"Camille, let me explain please" nagulat ako ng biglang umiyak si Dave sa harap ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Please Camille, please" ang mas ikinagulat ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Tumayo ka diyan Dave. Baka may makakita sa atin" walang emosyong tugon ko.

Pinipilit ko pa rin ang sarili kong huwag siyang lapitan. Pero taksil ang mga luha ko, nagsimula na namang tumulo.

"Wala akong pakialam Camille. All I want is to talk to you. To explain everything. Because f*vk! I can't let you leave me. Camille please, don't leave" ani Dave habang nakaluhod at umiiyak.

Agad ko naman siyang nilapitan at inakay patayo.

"Tumayo ka na" utos ko at agad niya namang inabot ang kamay niya para tulungan siyang makatayo.

Nag dadalawang isip man ay pinili ko na lang na abutin rin ang kanyang kamay para tulungan siyang makatayo.

"Dave, nakatayo ka na. Baka pwedeng bitawan mo na ako" seryosong tugon ko pero tila hindi siya nakikinig.

"I won't. I won't let your hand go until you hear me out" sambit ni Dave habang hinihigpitan ang hawal niya sa kamay ko.

"Ano ba Dave! Parang awa mo na, tigilan mo na ako. Umalis ka na dito at ayaw na ulit kitang makita!" Bulyaw ko at agad kong inagaw ang kamay ko.

"Camille, please. Hear me out. Just, just 2 minutes" pagmamakaawa niya.

"Bakit? Lilinisin mo ang pangalan mo? Tss, kitang-kita ko Dave. Kitang-kita ko kung paano kayo maghalikan ni Melissa!" Napasigaw ulit ako dahil sa matinding galit ng muli kong maalala ang mga nangyari.

"She kissed me first. I don't have any intention of kissing her back" ani Dave habang papalapit sa akin.

"Wag kang lalapit sa akin Dave. Lumayo ka" pagpipigil ko sa kanya at agad naman siyang tumigil sa paglapit.

"Talaga Dave? You don't have any intention of kissing her back? Eh ano yung nakita ko? Hindi ka man lang gumalaw. Ni hindi mo man lang tinulak siya palayo. Sa tingin mo maniniwala ako sa kasinungalingan mo? Hinding-hindi na Dave. I'm done with this pain, I'm done with this tears and I'm done with you. Magkalimutan na tayo" pilit kong pinipigilan ang mga luha ko ngunit patuloy pa rin ito sa pagtulo.

"Nabigla ako Camille. I was about to react when you accidentally hit the vase.  There's nothing between us and I swear to God that if I could just turn back time, I will do everything just to refuse her kiss. I'm so sorry Camille" sambit ni Dave habang nakatingin pa rin sa akin ng diretso at lumuluha pa rin ang mata.

"Sana ganun lang yun kadaling kalimutan Dave. Handa naman akong masaktan maging masaya ka lang, handa akong magpakatanga para sayo. Pero narealize ko na bakit ko nga ba 'to ginagawa? Alam ko naman isa lang akong desperadang babae na gumawa ng isang deal para tulungan ang isang taong minahal niya agad sa loob ng isang linggo" tugon ko habang patuloy pa rin sa pagpunas ng mga luha ko.

"No, you're special to me. You're more than anything for me. Camille, I love you..." ani Dave.

"T*ng*na Dave tigilan mo na ako! Gusto na kitang kalimutan. Ayaw na kitang makita. Please, tapos na ang deal, tapos na din tayo" seryosong tugon ko.

30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon