Samantha's POV
Anyare sa babaeng to? Kanina pa ngumingiti habang nakatingin sa kawalan. Nakadrugs ba to? Adik eh.
"Hoy! Baliw ka na ba? Para ka kaseng tangang nakatingin sa kawalan tapos ngingiti. Umamin ka nga, nagdudrugs ka na ba? Naku tigilan mo na yan. Makukulong ka lang" pagbabanta ko sa kanya. Bigla naman siyang napalingon sa akin habang nakangiti pa rin. Baliw talaga.
"Hindi ako baliw at hindi ako nagdudrugs. Bawal bang maging masaya? I'm just living my life with happiness and smiles" pangangatwiran ng echosera. Naku! May hindi to sinasabi sa akin eh.
"Inlove ka na ba? Umamin ka nga." Takang tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya sa tanong ko.
"Hindi ako inlove ano ba!" pangangatwiran niya. Sinamaan ko siya ng tingin para mapa-amin. Mayamaya pa ay muli siyang nagsalita. "Sige na nga! May ichichika ako" dugtong pa niya.
Umayos naman ako sa pagkakaupo para makinig sa chismis niya. Aba'y baket? Mahilig akong sumagap ng mga chika.
"Kilala mo naman di ba yung kaibigan nung Matt mo? Ano kase... ahmm...crush ko eh ihhhhh!" Sabi ko na nga ba eh! Tinamaan ang kaibigan ko. Turn on landi mode na naman to panigurado.
"Seryoso?! Halaaaa! Support bes support!" Panggagatong ko naman. "Magkwento ka pa dali!" Pahabol ko pa sa kanya.
Camille's POV
Nakakaloka naman tong si Samantha. Parang mas kinilig pa kaysa sakin dahil sa kwento ko eh. Nai-chika ko kase sa kanya ang lahat ng nangyari. Pwera lang dun sa part na nagbreak si Dave at ang stepsister niya. Syempre may isang salita naman ako. Sekreto yun eh.
Matapos ang halos isang oras na pag-uusap namin, sakto namang dumating ang teacher namin.
"Good morning Sir!" Bati ng buong klase.
"Good morning class. I will not able to discuss some lessons today due to another faculty meeting. We will start discussing our new lesson tomorrow. Turn your books on page 107-110. Review all your notes and study the lessons found in your book. Prepare for a long quiz tommorow." Anunsyo ng teacher namin. Sabi ko na nga ba eh, magqu-quiz na naman ng hindi nagturo. Letse naman.
********
Kasalukuyan kaming nasa Canteen ni Samantha. Nagrereview kase kami para sa long quiz bukas. Mahaba-haba pa naman ang sakop ng lesson. Kailangan ng puspusang pagrereview.
Mayamaya pa ay sumagi na naman sa aking isipan ang huling text message ni Dave. Ihhhhh! Kinikilig na naman ako.
"Psst! Samantha!" Agad naman siyang lumingon. "Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya at tatanungin yung about sa text message niya sa akin?" Pahabol na tanong ko sa kanya. Bigala namang kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Alam mo Camille, dapat mo talagang itanong sa kanya kung para sayo ba talaga yung text message na yun. Malay mo wrongsend tapos umasa ka naman na sayo yun." Sagot niya sa tanong ko. Binaling naman niya ulit ang paningin sa librong binabasa.
Napaisip ako, oo nga noh? Malay mo wrongsend siya. Pero malay mo rin, sa akin talaga yun? Wala naman nagbabawal na umasa HAHA.
"Sige sige. Mamaya tatanungin ko sa kanya yung about sa text message. Malay mo ligawan din ako. CHAROT" tatawa-tawa kong sabi. Umiling iling naman si Samantha at nagbasa ulit. Kahit kaylan talaga ang KJ nito. Hindi man lang sumakay sa trip ko.
*********
Nag-unahan na naman ang mga kaklase ko palabas ng classroom. Uwing-uwi lang? Excited?
Syempre nakipag-unahan din ako. Anong akala nila? Hindi ko kayang makipagsabayan? Maganda ako pero kaya ko ring makipagtulakan.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa room ay dali-dali akong tumakbo para hanapin si Dave. Hindi ko siya makita dahil sa nagdadagsaang mga estudyante dahil halos sabay-sabay ang dismissal.
GOTCHA! Natanaw ko siya sa may waiting shed. Nakaupo siya at naka de-kwatrong panglalake. Ampogi naman nito. Ang tangos tangos ng ilong at ang kinis kinis ng kutis. Mukhang hindi pa binisita ni pimples ah. Unfair naman.
Enough of the thoughts. Kailangan ko siyang puntahan dahil baka umalis na siya dun. Mahirap pa naman tong hanapin. Masyadong famous kaya nagtatago.
"Dave!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Aba'y pinagtinginan ako ng mga estudyante dun. Alam ko namang maganda ako pero wag naman niyo akong pagtinginan. Nacoconcious kaya ako.
Napalingon naman siya matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nagulat siya ng makita akong tumatakbo papalapit sa kanya. Luh, gulat yarn?
"Hi dave" Bati ko sa kanya. Nginitian niya lang ako an pinaupo sa katabi niyang upuan. Pipi ba to? Bihirang magsalita eh.
"What's up?" Tanong niya sa aking in a cold tone. Nakatingin lang siya sa kawalan.
"Ah..ano kase... uhmm..." Ano ba to? Ba't hindi ako makapagsalita ng maayos? Nauutal pa ako na parang 1 year old baby na nagsisimula palang magsalita.
"Spill it out. May lakad pa ako" Ayy demanding? Pwede wait? Nauutal pa nga ako eh. Sungit neto.
"Ah ano kase... yung text message mo sa akin kagabi, totoo ba yun?" Tanong ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mga mata niya. Maski nga sa gawi niya ay hindi ako makaharap dahil sa hiya. Ang lakas lakas pa ng kabog nitong letseng pusong ito. Ba't ba kase ganito ang epekto sa akin ng Greek God na to?
Nagulat naman siya sa sinabi ko. Agad niyang chineck ang phone niya at nahihiyang napatingin sa akin.
"Fuck! What have I done?" Bulong niya sa kanyang sarili ngunit narinig ko pa rin ito. Ganto talaga kapag chimosa, kahit bulong naririnig.
"Uhm Camille..." pagtawag niya sa pangalan ko na agad namang ikinapula ng pisngi ko. Parang musika sa pandinig ko ang boses niya lalo na't sinambit niya ang napakaganda kong pangalan.
Lumingon naman ako sa kanya ngunit hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Uhm sorry. I was so drunk last night and I didn't notice that I sent my message for my Ex to you." Pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang may bahid ng sinseridad.
'message for my Ex'
'message for my Ex'
'message for my Ex'
Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa aking isipan. Bigla namang may kumirot sa lintik na puso ko at nararamdaman kong may nagbabadyang luha sa aking mga mata. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Gusto ko lang ba talaga siya? Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Nakakainis naman.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "A-ayos lang hehe." sambit ko habang pinipigilang hindi maiyak. Ang arte ko naman. Nginitian niya lamang ako at tumingin na muli sa kawalan.
"Masakit pa rin ba?" Hindi ko namalayang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Babawiin ko sana ang tanong ko nang bigla siyang sumagot.
"It hurts. It still hurts. Gustong-gusto ko ng mawala ang lahat ng sakit at kalimutan na ang pagmamahal ko sa kanya but I don't know what to do amd how to start" he said while his voice was cracking. Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng iiyakan ang isang babae. Ang swerte naman ng stepsister niya.
"Alam mo, minsan kailangan mo ring tumingin sa paligid at hindi lang sa kanya. Sa ganung paraan, mas madali mo siyang makakalimutan. Mas madaling mawawala ang nararamdaman mo para sa kanya" Hindi ko rin alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyon pero ang alam ko lang ay gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya.
"Tutulungan kitang kalimutan siya" nagulat si Dave sa sinabi ko. Liningon niya ako at halatang may pagtataka sa kanyang ekspresyon. Lumingon din ako sa kanya upang dugtungan ang mga sinabi ko...
"Dave, I think I'm inlove with you. Hindi ko alam kung sa anong paraan kase bigla ko lang siyang naramdaman. Hindi pa naman gaanong katagal tayong magkakilala pero masaya ako kapag kausap kita, kapag katabi kita. Alam ko na You don't love me nor like me but let me help you to ease the pain. In 30 days, I'll make you fall inlove with me. You'll forget her and you'll love me the way I do. Magdadate tayo. At kung hindi magwork sa loob ng isang buwan, lalayo na ako at kakalimutan ko ang nararamdaman ko para sayo"
🧡🧡🧡
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Novela JuvenilMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...