Chapter 3: Text message

127 13 3
                                    

Camille's POV

After his words, I was left dumbfounded. Hanggang ngayon eh di pa rin nagsisink in sa akin ang lahat ng revelations. Ex girlfriend? Stepsister? Ughh! I kennat!

Halos dalawang minuto akong natigilan. Nang matauhan ako, dun lang ako nakahakbang paalis sa Canteen.

Hinanap ng mata ko ang kotse namin. In fairness, nandito na ang sundo ko. Hindi ko na kailangang maghintay ng napakatagal sa waiting shed.

Papasok na sana ako sa loob ng kotse ng bigla akong tawagin ng Echosera kong kaibigan.

"Camille! Pasabay ako!" Lakas naman ng boses nito. Dinaig pa ang speaker na naka-full ang volume.

"Bakit? Nasaan ang kotse mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Himala kase. Di niya dala-dala ang kotse niya.

"Ah..eh... N-napagalitan ako ni m-mama eh hehe" Ayun! Ano na naman bang katangahan ang ginawi ng babaitang ito para hindi sa kanya ipagamit ang kotse? Baka sinabihan niya ang mga magulang niya na maganda siya? Inisip siguro nila na nababaliw na ang pinakamamahal nilang anak.

"Ano na naman ba ang ginawa mo ha babae?! Pinairal mo na naman yang pagiging echosera mo" Sermon ko sa kanya. Napayuko naman siya habang ngumingiti ng pilit.

"Sabi kase ni mama, gabing gabi na ako kung umuwi. Nagmamall lang naman ako eh" Sambit niya sabay kagat sa dulo ng daliri. Aba! Kahit kaylan talaga lakwatsera ito. Kung saan-saan nakakarating. Todo lustay pa ng pera porket mayaman sila. Batukan ko to eh.

"Ewan ko sayo Samantha Esguerra! Kahit kaylan talaga lakwatsera ka. Kung hindi lang kita kaibigan aba'y hahayaan kitang maglakad ngayon." Asik ko habang nakahawak sa sentido. Napatalon naman siya sa saya ng bigla ko siyang payagan. Cute niya. Pero mas cute talaga ako. Wag nang tumutol. Sasapakin ko kayo eh. CHAROT

***********

Nakauwi na rin ako sa wakas. Traffic na naman kase at kailangan pa naming mag-iba ng ruta dahil ihahatid ko pa ang napakagaling kong kaibigan. Mabigwasan nga bukas.

As usual, nasa kama na naman ako habang nagbabasa ng libro. Oo na. Hilig kong magbasa. Bookworm na kung bookworm basta nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng gutom. Bumaba na ako para maghapunan. Sakto! Kumakain na si Mudra. Natakam tuloy ako.

"Ma! Good evening! Ano pong ulam?" Tanong ko habang papalapit sa mesa. "Tinola anak. Hindi na nakapagluto si manang Soleng ng ibang putahe dahil nagmamadali na ako. Kailangan kong bumalik sa Opisina ko dahil naiwan ko ang flash drive na naglalaman ng mahahalagang files. Kailangan ko pa naman bukas para sa meeting." Pagpapaliwanag niya habang inaabot sa akin ang plato. Sobrang Caring naman ng maganda kong nanay. Oh, hindi yun echos!

Tahimik lang kaming kumain. Ayaw ko na ring magsalita dahil nagugutom ako. Mayamaya ay nagsalita si mama that eventually broke the silence.

"Anak, kamusta ang pag-aaral mo? Matataas pa rin ba ang mga marka mo sa klase? Don't tell me, may boyfriend ka na? Oh kaya naman eh may manliligaw ka tapos di mo sa akin sinasabi? Naku Camille! Malilintikan ka sa papa mo" pagbabanta ni mama sa akin na ikinapula ng pisngi ko. Natakot ako dun ah.

"Ma naman eh! Wala akong manliligaw at mas lalong wala akong boyfriend." Pangangatwiran ko. "At saka, mataas pa rin naman mama ang mga grades ko as usual. Alam mo naman di ko kayo bibiguin eh" dugtong ko sabay kindat kay mama. Napangiti naman siya sa akin. Tiningnan niya ang wall clock at ng mapansin na mag-aalas otso na ay dali-dali siyang tumayo.

"Sige na anak. Aalis na ako ah. Kumain ka ng marami. Kung kulang pa yan, magpaluto ka lang kay manang Soleng." Habilin niya sa akin habang inaayos ang shoulder bag niya.

30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon