NOTE: Pasensiya na po kung hindi ayos ang chronologic arrangement ng mga chapters ng story ko. Nagkaroon po siguro ng glitch and malfunctions dahil wala naman po akong ginalaw. But still, I'll continue Camille and Dave's lovestory. Pipilitin ko pong ayusin ang pagkakasunod-sunod ng chapters ng storyang ito. Hope y'all understand po. I accept suggestions kung paano maayos ang problema. You can comment po. Thank youuu!Camille' POV
Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa bumabalik si Samantha at Matt. Naku! Kapag lumipas ang limang minuto na wala pa sila, susugod na talaga ako. Baka kung ano na ang ginawa nila. Malandi pa naman ang kaibigan ko. Chos!
Biglang tumunog ang cellphone ni Dave na bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi na kase ako kumibo dahil sa kaiisip kay Samantha at Matt. Hayst!
"Hello......Yeah,yeah.....sure, I'm on my way......ok bye" agad niyang binaba ang tawag at tumingin sa akin.
"Uhm I need to go Camille. Ikaw na lang ang magpaalam kay Matt at Samantha. May ipapagawa daw si mama sa akin. I'll text you later kung anong oras tayo bukas at si Matt na lang ang maghahatid ng damit mo. Siya na rin ang nagpaliwanag sa mama mo at pumayag na. Ibinigay kase ni Samantha ang number ng mama mo at napapayag namin siya. Wag mo nang itanong kung paano" pagkatapos niyang mag-speech ay agad niya akong iniwan ng nakatulala. Ang haba naman ng sinabi niya. Paano niya napapayag si mama? Alam ba to ni papa? Eh si kuya? Bahala na nga. Basta pumayag na. Tutal, 1 week sila sa Cebu dahil sa business matters.
Makaraan ang ilang minuto simula ng umalis si Dave ay bigla namang dumating si Matt at Samantha na.... magka holding hands! OMG! Don't tell me?! Whaaaaahhh!
"Huy Samantha! Bakit kayo magkahawak ng kamay?! Kanina lang iniiwasan mo yang si Matt tapos ngayon close na ulit kayo? May hindi ba kayo inaamin sa akin? Don't tell me...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Matt.
"Yeah. We're official. I hope its ok with you" kumamot naman siya sa kanyang batok.
"Anong Ok? Ok na Ok kaya! OMG bestie! May jowa ka na! Sanaol!" Bigla naman akong pinandilatan ng mata ni Samantha. Doon ko napagtanto na nakatingin na sa amin ang mga tao sa food court. Agad naman akong nag-peace sign. Napalakas ata ang volume ng boses ko. Nakakahiya naman.
"Alam niyo, bagay na bagay kayo. Sana magkaroon rin ako ng partner. Nakakapagod kayang maging taga-sanaol! Nakakainis naman!" Pagmamaktol ko na agad namang ikinatawa ng dalawa. Sige tawanan niyo ako. Naging magjowa lang, tinatawanan na ako. Bahala nga kayo sa mha buhay niyo. Che!
*********
Nakauwi na ako galing sa mall. This day is so damn tiring. Naging third wheel na lang ako ni Samantha and Matt dahil iniwan naman ako ni Bb Dave.
Diretso higa ako sa kama pagkadating ko sa bahay dahil lowbatt na lowbatt na ng energy ko. I need to be recharged mga dzaih!
Nakaidlip na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Anak ng tinapang maalat! Panira na naman! Kainis!
Pagbukas ko ng cellphone ay bumungad sa akin ang pangalan ni Bb Dave. Tumatawag siya OMG! Ok kalma selp. Si Dave lang yan.
Sinabi ko bang panira? Wala naman di ba? Wag na kayong umangal mga lodicakes. Mahal ko kayong lahat. Pero mas mahal ko si Bb Dave ihhh!
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
أدب المراهقينMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...