Camille's POV
Wait, ano daw? Nabingi yata ako. Shuta! I kennat!
"Ano?! Wala sa usapan natin ang pagpapakilala sa parents. Aakto lang tayong couples dahil magdadate tayo pero wala sa usapan natin yan! Kaimbyerna ka naman Dave!" Bulyaw ko sa kanya. Halos pinagtitinginan na kami dito dahil sa boses ko. Napalakas ba? Pasensiya na ha, goodbless.
"I just wanted to prove my stepsister that I'm already moved on" ayun! Kaya naman pala.
"Oh sige na nga! Siguraduhin mo lang na ikaw ang bibili ng outfit ko, ikaw ang maghahatid at susundo sa akin at ikaw rin ang magpaalam kay mama" sambit ko habang nakatingin sa kanya. Tiningnan naman niya ako at tinanguan. Pipi lang? Di man lang nagsalita kahit "oo" oh kaya naman "yeah". Ang tipid-tipid naman neto pagdating sa words. May limit lang?
Nang makalapit kami sa kinauupuan ni Samantha at Matt ay biglang naging awkward ang atmosphere. Anyare?
Umupo nalang ako sa tabi ni Samantha at ganun din si Dave sa tabi ni matt. Bale magkaharap kami ni Dave at magkaharap din si Matt at Samantha. Aba! Hindi nagkikibuan or kahit magtinginan man lang. Ang aarte neto.
"Ehem! Pwede naman dibang magsalita ano?" Binasag ko na ang katahimikan dahil sobrang nakakailang. Para kaming mga multo na hindi nakikita ang isa't isa.
"Ah, guys! CR lang ako" biglang sambit ni Samantha na agad ko naman tiningnan. Ano yun? Nagsalita lang ako na-ihi na siya?
"Samahan na kita" pagpepresinta ni Matt. Ayun! The moves! Agad naman akong napangiti dahil biglang namula si Samantha. Kinilig ang echosera.
"Ah ano kase... hindi na kailangan Matt. Kaya kong mag-isa. At tsaka CR ng mga girls ang pupuntahan ko. Bawal ka dun uy!" Pagdadahilan ni Samantha. Aysus! Gusto namang magpasama nag-iinarte pa. Batukan ko to eh.
"Hindi naman ako papasok. At tsaka maghuhugas din ako ng kamay" sambit ni Matt habang nakatingin ng diretso kay Samantha.
"Ah, uhm, sige hehe" nahihiyang sagot ni Samantha. Pabebe lang ang echosera.
Naiwan tuloy kami ni Dave dito sa table. Pinag-usapan na lang namin kung anong oras bukas para prepared. After ng deal namin kahapon, bigla na lang akong naging komportable sa kanya. Wala na yung awkwardness at hiya ko kapag kausap ko siya. Lumalabas kasi ang hiya ko kapag iba ang kasama ko or kapag kinikilig ako. Hindi kase bumabanat kaya hindi tuloy ako kinikilig. Mahinang nilalang. CHAROT.
Samantha's POV
Naglalakad kami ni Matt papuntang CR nang wala man lang nag iingay sa amin. Medyo malayo pa naman mula sa table namin ang comfort room.
Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan. Jusme! Kalma puso ko, wag sobrang tumalon, baka makawala ka diyan sa dibdib ko.
"Why are you treating me so cold? What did I do?" Tanong niya sa akin habang nakaakbay. Ihhh! Ang gwapo ng boses. Wag ka ngang ganyan Matt! Mamamatay na ako sa kilig!
"Ah a-ano, masama kase pakiramdam ko" sabay hawak ko sa sentido ko. Pwede na siguro ang acting ko. Marami na akong napaniwala dahil dito eh. Proven and tested.
"Masama ang pakiramdam? Bakit nakita ko kayo ni Camille kanina na tumatakbo papuntang bookstore? May masama ba ang pakiramdam tapos tumatakbo? Tapos pumayag pang sumama papuntang Mall? As far as I know, you're always here after class. Hindi ka rin naman pipilitin ni Camille kung masama talaga ang pakiramdam mo" hala ka! Wala na akong idadahilan dahil sinabi na niya lahat. Anong gagawin ko? Huhuhu.
"Basta. Wag ka nang magtanong. Hindi ko rin naman sasagutin" yun na lang ang nasabi ko. Wala na akong maisip eh.
Nang tumapat kami sa pinto ng CR ay agad niya akong iniharap sa kanya. Good thing, walang tao dito. Baka isipin nila na maghahalikan kami. Echos!
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...