Dave's POV
Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse at nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Anak! Mag-ingat ka!" Narinig kong tawag ni Mommy kaya't agad ko siyang nilingon.
"Yes Mom, I will!" Sigaw ko rin bilang tugon sa kanya.
Tumatakbo na ako papuntang garahe ng biglang may humarang sa akin.
"Parang nagmamadali ka yata? Where are you going?" tanong ni Melissa.
"None of your business" walang emosyon kong tugon at iniwan siya sa kanyang puwesto at agad na tinungo ang garahe kung saan nakalagay ang BMW ko.
"Dave, I'm sorry" napahinto ako dahil sa sinabi ni Melissa. Sorry?
"I don't wanna give a damn with you sorry" seryoso kong tugon at maglalakad na ulit sana ngunit muli siyang nagsalita.
"Kinausap ko siya kagabi-----"
"What the f*vk! Anong ginawa mo sa kanya?!" Hindi ko na mapigilang mag-alala para kay Camille.
"Wala akong ginawa sa kanya kaya huminahon ka! Kalma, nag-usap lang kami"
"At ano namang sinabi mo sa kanya? Siniraan mo na naman ba ako para mas lalo niya akong kamuhian? Ganyan ka na ba talaga kadesperada-----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sampalin ni Melissa.
"Desperada ba? Sorry ah, sayo lang ako nagkaganito. Wag kang mag-alala, ayos na kami ni Camille. Naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat" sarkastiko nitong tugon matapos akong sampalin.
"W-what do you mean? Anong sinabi mo sa kanya?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Anong sinabi niya kay Camille?
"Inamin ko ang lahat ng kasalanan ko. Sinabi ko ang totoo. Pero hindi ko siya napigilang umalis. Aalis na siya ngayon, kailangan mo siyang habulin bago mahuli ang lahat. Gusto ko ring humingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko" nakayukong tugon ni Melissa.
"Anong oras ang alis ng eroplano?"
"Mamayang 1:30. Bilisan mo Dave" sagot ni Melissa at agad ko siyang tinanguan.
"Thank you" sambit ko at agad na tumalikod. Ngunit hindi pa ako nakalalayo, muli ko siyang nilingon.
"Pinapatawad na kita. Sana, ituring na lang natin ang isa't isa bilang magkapatid. Masaya akong magkaroon ng babaeng kapatid" sambit ko at agad na tinakbo ni Melissa ang pwesto ko at niyakap ako.
"Alam kong awkward na yakapin ka pero hindi ko mapigilang maging masaya lalo na't pinatawad mo na ako. Salamat Dave, Bunso ka pala namin dito sa bahay" nakangisi niyang sambit at pinitik ang noo ko.
"Aray! Nananakit ka na naman ah" sambit ko habang hinihimas ang noo.
"Sorry na. Sige na Dave, mag-iingat ka. Sana magkaayos kayo ni Camille" nakangiti niyang sambit sa akin.
"Thanks. I have to go" nakangiti kong tugon at agad na binuksan ang kotse ko.
This really feels right. Sana maitama na ang lahat, sana mapigilan ko si Camille. Kahit Cebu lang yun at kung tutuusin ay kaya ko siyang bisitahin o habulin, alam kong magagalit si Mommy at hindi rin iyon magugustuhan ng kuya niya.
Baka nga di pa ako napapatawad nun eh. Pero kahit na, hihingi ako ng tawad araw-araw maging ayos lang kami. Miss na miss ko na siya, sobra....
****************
"Ahhhhh! Kainis na traffic to oh!" Nanggagalaiti kong tugon. Tatlumpong minuto na akong naghihintay na umusad itong traffic. 1:00 na pero malayo-layo pa ang airport.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...