Chapter 22: End of deal

48 7 2
                                    

Camille's POV

"Manong pakibilisan po" pakiusap ko sa taxi driver. Gustong-gusto ko na kaseng makausap si Dave. Gusto ko nang malinaw ang lahat.

"Hindi po ako pwedeng mag over speed, baka matiketan pa ho ako" tugon naman ng driver.

Tumango na lamang ako. Nagtatrabaho ng matino si manong driver tas baka matiketan pa dahil sa akin.

Ilang minuto ang nakalipas ng marating namin ang condo ni Dave. Agad kong inabutan ng isang libo ang driver dahil nakonsensiya ako kanina.

"Naku po Ma'am, wala akong panukli saiyo" sambit ng driver habang kinakamot ang ulo. Napangiti naman ako. Marami pa rin pa lang mababait na tao. Mga taong kahit hirap sa buhay ay hindi magagawang manlamang ng kapwa.

"Wag na ho. Saiyo na po ang sukli. Salamat po sa paghatid sa akin ng ligtas. Ingat po kayo" paalam ko at kinawayan siya.

"Maraming salamat din ho ma'am. Malaking tulong ito sa akin. Ingat rin ho kayo" tugon din ng driver at nginitian ko siya bilang tugon.

Nagsimula na akong maglakad sa hallway papuntang unit ni Dave. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako. Parang napakahirap para sa akin ang maglakad dahil napakabigat ng paa ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng marating ko ang mismong pinto ng condo unit ni Dave. Alam ko ang passcode nito kaya hindi na ako nag-abalang kumatok.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na bumigat ang pakiramdam ko.

"Dave, he left me. Iniwan niya ako. I...I was wrong when I choose him. Dapat pala ikaw ang pinili ko. Dave, please give me another chance. Please" rinig kong sambit ni Melissa kay Dave habang umiiyak.

Sinungaling din pala ang babaeng ito? Iniwan siya ni kuya? The nerve of this bitch!


"Ano? Babalik ka dahil wala ka nang choice. I'm always your second choice Melissa! Nagmomove on na ako from the pain you cause tapos andito ka na naman para ano? Bumalik at umalis ulit? I'm really done with you" seryosong sambit ni Dave. Bumalik na naman ang cold stares niya.

"Dave, I love you. I really do. You love me right?" Sambit ni Melissa at agad na hinawakan ang kamay ni Dave. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Dave answer me, do you love me?" Muling tanong ni Melissa.



Kahit ako ay naghihintay ng sagot niya. Please Dave, don't hurt me again. I'm done crying because of you. Can you please make me smile kahit ngayong lang?


Hindi pa rin sumagot si Dave. May namumuong luha sa kanyang mata.

Sumagot ka Dave. Sabihin mong ako na ang mahal mo. Aasa ako, at huli na ito. Sana ako naman Dave. Please....

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Melissa. Hindi pa rin umiimik si Dave at nakatayo lang sa harap ni Melissa habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.


Nagulat ako ng magsalita si Dave.

"Melissa, mahal kita...." tuluyan na niyang binitawan ang mga salitang nagpawasak sa puso ko.

Ang mas lalong ikinagulat ko ay ang paghalik ni Melissa kay Dave matapos niyang sabihin yun.



At tuluyan na akong natalo sa laro ng pag-ibig...

30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon