Chapter 35: coffee date

62 8 0
                                    

Camille's POV


It took me 30 minutes to reach the said place. Grabe, ang layo pala ng coffee shop na pagkikitaan namin ni Samantha.




But in all fairness, the place was really nice. It was a modern-themed coffee shop and you'll notice that the chairs, tables and everything is quite expensive and classy.





"Can I have your chocolate cake please?" I asked the lady near the counter.



"Copy Ma'am" she smiled back at me.



I decided to occupy the table near the window. I can clearly see the garden from the back of the coffee shop. How nice...


"Here's your order Ma'am. One chocolate cake, enjoy!" The waitress exclaimed so I did smile to answer her.



"Thank you" I said. I was about to take a bite from the cake when my phone vibrated.


It was Samantha.



From: Samantha

Bestie! I'm here na! Tanaw na rin kita! Lingon ka sa garden dali!





Wow, energetic. Agad akong lumingon sa garden and to my surprise, I saw Samantha wearing a yellow dress with her shorter hair. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.





"Bestie! You're back! Ang ganda mo lalo!" Napangiti naman ako. Gandang bungad nun ah.



"Matagal na akong maganda Samantha. By the way, nasaan si Matt?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong bahagya siyang napaisip saka muling nagsalita.



"Ah, nasa bahay siguro nila. Hindi ko na pinasama eh. You know, its our coffee date!" She exclaimed kaya mas lalo akong napangiti.





"Shall we order and occupy a seat? Nakakangalay tumayo Samantha, maikli pa ang dress ko" reklamo ko na bahagya naman ikinatawa ni Samantha.



"Camille, you're sexy naman and bagay sayo kaya don't worry" natatawa nitong saad.



"Whatever" saad ko na bahagya na naman ikinatawa ni Samantha.



"Bestie, maraming tao sa loob. May alam akong place na pwede nating pagpwestuhan!" She excitedly said. Agad akong lumingon sa loob at napagtantong marami na nga ang tao ngunit nanatili pa ring bakante ang seat ko kanina.




"Bakante pa naman ang puwesto ko----"




"Shh. Wag ka na kaseng umangal. Halika na!" Agad niya akong hinila papunta kung saan man. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.




Habang naglalakad kami, narinig kong nag-ring ang phone ni Samantha.



"Bestie, I'll just answer the call. Dumiretso ka lang tas may makikita kang table sa dulo" Agad naman akong tumango sa kanya bilang tugon.




Sumunod naman ako sa sinabi ni Samantha. Diretso lang ang tinahak kong daan pero hindi ako makapaniwang 15 minutes na ang nakakalipas pero hindi ko talaga mahanap ang sinasabi niyang table.  Kainis naman!





"Argh! Nasaan ka na ba Samantha?! Jusko talaga!" I frustratedly uttered. Napapapadyak na lang ako sa inis. Hindi ako nainform na kasing laki pala ng Mall of Asia ang garden ng coffee shop na ito. Kainis naman!








30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon