After 30 minutes, nakaluto na ako ng kanin at ng specialty kong Adobo and Kaldereta. Amoy pa lang eh masarap na.
Agad kong inayos ang hapag at hinain ang mga pagkaing niluto ko.
"Dave! Dinner's ready!" Pagtawag ko kay Dave na ngayon ay seryoso pa ring nanunuod ng TV.
"Yeah, coming" sagot niya na parang matamlay pa. Pagod yata siya.
"Pagod ka na Dave? Pagkatapos mong kumain eh matulog ka na. Ako na ang maghuhugas" alok ko habang nakangiti. Feel na feel ko ang pagiging girlfriend niya eh.
"Its ok. Tutulungan kitang maghugas. Ikaw na ang nagluto so, ako dapat ang maghuhugas" hindi na lang ako kumontra dahil baka uminit na naman ang ulo ng mokong. Masyadong gwapo para maging beast mode.
Dave's POV
Sandaling kumuha ng baso at kutsara si Camille. Mukha ngang masarap ang mga luto niya. Titikman ko na sana kaso bigla niya akong pinigilan.
"Mr. Adams, mag pray muna tayo ha" she said while smiling at me.
Yeah, she's cute. Hindi ko na rin itatanggi na nagsisimula na rin akong magkagusto sa kanya. Hindi naman mahirap gustuhin ang isang katulad niya. She's simple yet beautiful. Ayoko sa babae ay ang maarte sa katawan.
Pagkatapos naming magdasal ay agad akong kumuha ng kanin at adobo. Tinikman ko siya at masarap nga.
"Uyy Dave, ba't adobo lang ang kinakain mo? Hindi ka ba kumakain ng Kaldereta? Sana sinabi mo para napalitan ko ng ibang putahe" sambit niya habang naka-pout.
To be honest, favorite ko ng bata pa ako ang kaldereta, pero simula ng mamatay si Daddy at mag-asawa ulit si mama, ayoko ng tumikim ng ibang kaldereta. Gusto ko lang ang luto ni Daddy.
"Ayaw mo Dave? Sayang-----" agad kong pinutol ang sasabihin niya.
"No. Titikman ko, sayang ng effort mo eh" sambit ko at nginitian siya. Bigla namang siyang napangiti at inabot sa akin ang kaldereta.
Inamoy ko muna ito bago isinubo at.....
"Shit" bulong ngunit narinig ata ni Camille.
"Hala! Ayaw mo?! Ihhhh kainis talaga! Akin na nga at aalisin ko na" kukunin na sana niya ang bowl ng kaldereta ngunit pinigilan ko siya.
"Paano mo... paano mo nalaman ang recipe ni Daddy?" Tanong ko at bigla namang kumunot ang noo niya.
Camille's POV
Ano daw? Anong recipe ng Daddy niya? Eh sariling recipe ko yun eh.
"What? Sariling recipe ko yan, Dave. Wala akong ginaya at hindi ako nagpaturong magluto ng kaldereta. As a matter of fact, yan ang unang-una kong natutunang iluto noong grade six ako" pagpapaliwanag ko naman at tinignan niya ako ng seryoso.
"Its...its D-delicious. More than I expected" agad naman niya akong nginitian an sumubo ulit.
Yayy! Nagawa ko! Sabi na nga ba eh, magugustuhan niya ang luto ko.
"Talaga? Thank you!" Sambit ko at bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. Oh no!!! My heart, kalma lang!
"Thanks for bringing back my favorite Kaldereta. Magkasing sarap sila ng luto ni Daddy" from a smile, bigla siyang nalungkot.
"Di ba patay na ang Daddy mo kaya nga may bago ng asawa ang mama mo?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Yeah. 3 years ago ng namatay si Daddy sa isang car accident. Actually, Daddy's boy ako" natawa naman siya sa sinabi niya. Mayamaya pa ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Simula ng namatay si Daddy, wala ng buhay ang bahay namin. Laging mainit ang ulo ni mama at natuto rin akong magbulakbol. Parati kaming nag-aaway dahil minsan ay umuuwi akong lasing. After a year, sinabi ni mama na may bagong boyfriend siya, which is si tito Mark, ang tatay ni Melissa. Nagalit ako noon, kase feeling ko ang dali-dali para kay mama na kalimutan si Daddy. Pero ano nga bang magagawa ko? Masaya na siya sa bago niyang boyfriend. After how many months, ikinasal sila. Mabait naman si tito Mark pero hindi pa rin mapapantayan si Daddy. Tumira kami sa iisang bubong at doon ko nakilala si Melissa. Mabilis kaming naging close at sumaya ako kahit pansamantala. Yun nga lang, nahulog ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Naging girlfriend ko siya sa loob ng isang taon. Tinago lang namin ang relasyon namin dahil alam kong hindi nila ito magugustuhan. Nasa states si tito Mark dahil sa business kaya kaming tatlo lang ni mama at Melissa ang nasa bahay. Kaso yun nga, while me and Melissa are in a relationship, boyfriend niya rin si Dominic at...at mas mahal niya ang kuya mo" tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha niya.
Nasasaktan ako para sa kanya. Marami rin pala siyang pinagdaan. Mas lalo tuloy akong nabuhayan ng loob para tulungan siyang makamove on at maging masaya.
"Tahan na Dave. Wag kang mag-alala, parati kitang pasasayahin. Parati akong magluluto ng kaldereta para sayo. Parati kong ipaparamdam na mahalaga ka sa akin. Kase Dave, sure na talaga ako na Mahal kita. Hayaan mong pasayahin kita sa natitira nating 3 weeks. Don't worry, I'm always here when you need a shoulder to lean on" naiyak na rin ako. Hindi ko kayang tingnan na umiiyak si Dave kase nasasaktan din ako.
Nagligpit na kami ng pinagkainan at sabay na naghugas. Yup, as in sabay. Gusto kong ako ang maghugas at gusto niya rin naman. Para fair, kami na lang daw dalawa ang gagawa. Ngayon lang akong naghugas nang nakangiti. Syempre, kinikilig ang lola niyo.
Matapos magligpit ay nagbasa na lang kami ng libro. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakasandal ang ulo ni Dave sa balikat ko. Para talaga kaming magjowa. Shet! Kinikilig ako mga dzaih!
Dave's POV
Kasalukuyan kaming nagbabasa ng libro habang sobrang tahimik. Oo nga naman, alangan namang magbasa habang maingay, tss.
"Dave?" Tawag sa akin ni Camille.
"hmm?"
"Anong oras na?"
"Its already 8:30 PM"
"Oh shooott! Kailangan ko ng umuwi. Walang tao sa bahay" dali-dali siyang nagligpit.
Palabas na sana siya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad ko naman siyang pinigilan.
"Dito ka na lang matulog. Masyadong malakas ang ulan" Sambit ko habang hawak pa rin ang braso niya.
Camille's POV
"A-ano? Sure ka?" Takang tanong ko. Hahayaan niya akong matulog sa condo niya? OMG! I KENNAT!
"Yeah, I'm serious. Baka magkasakit ka pa kapag umuwi ka ngayon. Masyadong malakas ang ulan" agad kong tiningnan ang bintana at sobrang lakas nga ng ulan. Kahit naman may nararamdaman ako kay Dave, nahihiya pa rin akong matulog sa condo niya. Babae ako at lalake siya, kami lang dalawa sa condo niya, I think it quite awkward, right? Kaya mahirap para sa akin ang magdesisyon ngayon.
"A-ano kase, Dave. Diba isa lang ang kwarto ng condo mo? Hindi tayo kasya dun kaya uuwi na lang ako hehe" aalis na ulit sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"No. Hindi ka uuwi ngayon. Masyadong delikado dahil malakas ang ulan. May Sofa sa loob ng kwarto ko. Doon na lang ako matutulog" pagkasabi niya nun ay agad niya akong hinila papasok ng condo.
"Ah ano....Cge. Basta pahiramin mo ako ng damit ah. Wala akong pamalit eh" napangiti naman siya sa naging sagot ko.
"Ok. Ako na ang bahala sa damit mo. Huwag ka lang uuwi ngayon dahil delikado. Baka ano pang mangyari sayo. Mawawalan ako ng Camille na magpapasaya pa sa akin sa loob ng 3 weeks" sambit niya sabay kindat.
Shet! Ayan na naman ang pamumula ng pisngi ko. Ano bang ginagawa mo sa akin Dave? Ang lakas na ng tama ko letse!
🧡🧡🧡🧡🧡
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...