Chapter 17: You are

58 12 0
                                    

Camille's POV

"Magandang umaga Mr. Adams. Nagagalak ako na bumisita ka ulit dito" pagbati ng isang madre kay Dave. Hindi lang ba ito ang unang beses na bumisita siya sa orphanage na ito?

"Thank you sister Gracia for the warm welcome. Gusto lang po sana naming bisitahin ang mga bata" tugon naman ni Dave.

"Ah ganun ba? Halika at sasamahan ko kayo papuntang palaruan. Nandoon ang mga bata ngayon" nakangiting sambit ni Sister Gracia.

Napansin ko na tinitingnan ako ng madre na parang may gustong itanong. Nilingon ko siya at binigyan niya ako ng isang matamis ng ngiti. Nasa 30's na si Sister Gracia pero napakaganda pa rin niya. Siguro kung hindi ito nagmadre ay nakapangasawa na siya.

"Ano nga pala ang iyong pangalan, Hija?" Magalang na tanong ni Sister Gracia sa akin.

"Ako nga po pala si Camille. Girlfriend  po ni Dave. Nice meeting you po" sambit ko habang nakangiti sa madre. Sinuklian naman niya ako ng isang ngiti at nakipag-kamay pa sa akin.

"Napakaganda mo Hija at mukhang napakabait pa. Ikaw ba ang babaeng laging ikinukwento ni Dave sa akin? Ang babaeng isang taon niyang minamahal?" Tanong ni Sister Gracia sa akin.

Kumirot ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Sister Gracia. Alam kong hindi ako ang tinutukoy niya. Alam ko kung sino ang babaeng isang taong minahal ni Dave. Siya rin ang babaeng sobrang nagpaiyak sa kanya. At nararamdaman ko na mahal pa rin niya ito hanggang ngayon dahil kitang-kita ko ang paglingon ni Dave matapos sabihin iyon ng madre. Malakas pa rin ang epekto sa kanya ni Melissa. At mukhang hindi ko pa iyon matutumbasan.

"Ah Sister Gracia? Hindi po siya iyon. Matagal na po kaming hiwalay ng babaeng ikinukwento ko sa inyo dati. Siya na po ang bagong nagugustuhan ko. Siya na po ang girlfriend ko ngayon" pagpapaliwanag ni Dave.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako matapos sabihin ni Dave na ako ang bago niyang nagugustuhan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil alam kong gusto niya na ako o malulungkot dahil alam kong si Melissa pa rin ang mahal niya at hindi ako yun. Gusto kong umiyak pero pilit kong pinipigilan dahil ayaw kong ipakita sa kanila na labis akong nasasaktan.

"Ganun ba? Pasensiya na Hija. Ikaw pa lang kasi ang babaeng naisama ni Mr. Adams dito sa orphanage kung kaya't akala ko ay ikaw iyon" paghingi ng tawad ni Sister Gracia. Alam kong nakita ni Sister Gracia ang namumuong luha sa aking mata kung kaya't hinawakan niya ang kamay ko.

"Ok lang po. Past is past HAHA" pilit akong tumawa upang mapigilan ang luhang gusto nang tumulo mula sa mata ko.

"Oh sya, tara na at puntahan ang mga bata" naglakad kami papuntang playground na hawak-hawak ni Sister Gracia ang kamay ko. Tiningnan ko siya at alam kung nagso-sorry siya at nakikita ko iyon sa ngiti at mata niya.

"Good morning kids! Miss me?" Bungad ni Dave sa mga bata at agad naman siyang nilapitan ng mga ito.

"Hello po kuya Dave!"

"Yehey! Andito na ulit si kuya Dave!"

"Kuya Dave laro ulit tayo ng basketball!"

"Kuya Dave turuan mo po akong magdrawing!"

"Tagu-taguan tayo kuya Dave!"


Isa-isang lumapit ang mga bata kay Dave. Niyakap siya ng mga bata at halos matumba na si Dave dahil sa dami nila. Napangiti naman ako sa nakita. Mas lalong gumwapo si Dave. Nakikita ko sa kanya ang pagiging isang mabuting ama in the future. Ama ng mga anak ko. Cheret.

30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon