Chapter 21: Kuya Doms

38 8 0
                                    

Camille's POV

Tulala akong naglalakad sa hallway. Matapos ang sinabi ni Dave kahapon, hindi ko na magawang ngumiti. Parang nawala yung happy spirit sa katawan ko. Nasaktan ang lola niyo eh.

Hindi na rin ako sumasabay pa kay Samantha at Matt dahil mas lalo akong naiiyak kapag nakikita ko silang naghaharutan. Naalala ko lang yung times na magkasama kami ni Dave.

Ang babaw ko noh? Hindi naman totoong kami, tatlong araw lang naman ang hinihingi niya pero feeling ko hindi na siya babalik. Halos gawin ko nang tirahan ang  CR para lang umiyak ng umiyak. Nakakapagod na.

"Hey Camille" nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko mula sa likod. Kaboses siya ni Dave kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngunit nawala ang nagbabadyang ngiti sa labi ko ng mapagtantong si Drill pala yun. Oo nga naman, mag-pinsan sila kaya maaaring magkaboses silang dalawa.

"Oh Drill. Anong ginagawa mo dito?" Walang buhay na tugon ko. Agad namang kumunot ang noo ni Drill.

"Are you sick? Ba't ang tamlay mo?" Sambit ni Drill at akmang hahawakan niya akong noo ko para icheck ang temperature ko pero agad ko siyang pinigilan.

"Ok lang ako. Hindi lang talaga ako nakatulog ng mabuti dahil sa assignments" pagdadahilan ko. Wala naman talaga kaming assignments. Napuyat lang ako kakaiyak letse talaga.

"Ah, Okay. By the way, kamusta kayo ni Dave?" Tanong niya sa akin. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Dave.

"Ah ano, ayos lang kami hehe" nagpilit ako ng ngiti para mas convincing. Napatango naman siya. Sabi sa inyo best actress to.

"Basta always remember that if Dave hurts you, tell me"

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"I'll be your boyfriend, then" seryosong tugon niya na ikinagulat ko naman. Seryoso ba talaga siya?

"Ha ha ha, ang funny mo" tumawa ako ng peke. Agad naman niya akong nilingon ng may seryosong tingin. Luh. Cold yarn?

"Yeah. I'm serious. Kapag binitawan ka niya, I'll catch you" sambit niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Naku Drill tigil-tigilan mo ako! Balita ko chickboy ka daw eh" pang-aasar ko sa kanya habang tumatawa. Agad namang kumunot ang noo niya matapos kong sabihin yun.

"I'm not chickboy! Who told you that?" Iritadong tugon niya. Natawa naman ako sa naging reaction niya. Pikon si Mr. Womanizer HAHAHAHA.

"Eh kalat sa buong Campus na chickboy ka daw eh. Tapos hindi pa mabilang ang mga ex mo. Hay naku! Magpinsan talaga kayo ni Dave" natatawang sambit ko.

Teka, did I mention Dave? What the hell is going on with me? Ba't ba hindi ko makalimutan si Dave kahit isang minuto lang.

"Oh, what's wrong? Miss mo na ba si Insan?" Tanong ni Drill habang ngumisi ng nakakaloko. Napansin niya siguro ang pagbabago ng ekspresyon ko.

"Ewan ko sayo Drill. Bumalik ka na dun sa soccer field, wag mo akong guluhin dito" seryosong tugon ko naman. Ewan ko ba, matapos kong banggitin ang pangalan ni Dave eh bumalik agad lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bigla na lang sumikip ang dibdib ko.

"Wait, what did I do? Galit ka ba sa'kin?" Sambit niya but this time, seryoso siya at may bahid ng pag-aalala ang kanyang boses.

"Wala. Puyat lang talaga ako. Sige na, papasok na ako sa klase. Baka malate na naman ako tas pagalitan ng teacher. Mahirap na, gusto ko pa sanang maging conduct awardee hahahaha di joke lang. Sige Drill, bye!" Pakatapos ng speech ko ay tumakbo na ako papuntang room ko. Baka tumagal pa yung usapan namin at makita pa ni Dave.

30 Days to love me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon