Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaayos ang chronologic arrangement ng chapters nitong story ko. Sorry guys. Hahanap ako ng solusyon para maayos ito😊.
Camille's POV
"Ok class. See you tomorrow. Siguraduhing malinis ang room bago umuwi" paalala ng aming Math teacher.
"Yes sir!" Sabay-sabay na sambit ng mga kaklase ko at biglang umingay ang room dahil sa kwentuhan, asaran at sa nakakarinding tunog ng upuan dahil sa paghila nito. Nagsisimula na kasing maglinis ang cleaners, at isa ako dun.
Agad kong kinuha ang walis at sinimulan ang pagwawalis ng maalikabok naming sahig.
"Ano ba yan Camille! Ang alikabok! Pwe!" Pag-iinarte ng grupo ni Patricia. Tss, hindi pa nadala sa nangyari kanina.
"Ah ganun ba? Teka lang ha" sambit ko at agad na itinutok sa kanila ang standfan dahilan upang mapunta sa pwesto nila ang mga alikabok.
"Arghh! You bitch!" Pagmamaktol ni Patricia. Inirapan ko lang siya at tinawanan.
Isa-isa silang umalis habang nagdadabog. Buti nga sa kanila.
"Mabuti naman at umalis na ang mga coloring book" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Si Karyll lang pala, kaklase ko.
Aminado akong maganda si Karyll. Maputi, Matangkad, sexy at matangos ang ilong. Yun nga lang, parating color black ang lipstick at eye shadow. Mukha tuloy siyang mangkukulam. CHAROT.
"Naiirita kase ako. Tayo na nga ang naglilinis tapos mag-iinarte pa. Edi sana sila na lang ang nagwalis. Kaimbyerna" sambit ko habang diretsong nakatingin sa akin si Karyll.
"Alam mo Camille, akala ko napakahinhin mong babae. May itinatago ka pa lang 'Amazonang Camille' sa loob mo" sabi niya at natawa.
"Alangan namang magpatalo ako sa pangit na yun. Lamang lang siya ng kolorete pero mas maganda pa rin ako" pagmamayabang ko sa kanya.
Natawa naman kami dahil sa mga pinagsasabi namin.
"Camille, pwede bang sabay na lang tayong umuwi?" Tanong ni Karyll sa akin.
"Oo naman. Nakakainis kase si Samantha. Iniwan na naman ako dahil may date daw sila ni Matt. Echoserang babaeng yun, porque may lovelife iniiwan na akong mag-isa" pagmamaktol ko na parang bata. Natawa naman si Karyll. Nakakatawa yun?
"Bakit? May lovelife ka naman ah. Nandiyan naman si Insan para sayo. Ayieee" pangangantyaw niya.
Insan? Sino?
"Insan? Sinong pinsan ang sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Ah hindi mo pala alam. Pinsan ko si Dave. Magkapatid ang father ko at ang mother niya kaya magkaiba kami ng lastname" pagpapaliwanag niya.
Kaya pala 'Adams' si Dave samantalang 'Quinne' naman si Karyll. Yayamanin ang mga apelyido ah!
"Ah! Kaya pala Dave Stephen Adams siya at Karyll Kate Quinne ka naman! Ayos ah! Magpinsan pala kayo tapos hindi mo man lang sinasabi" sambit ko sa kanya.
"Eh hindi ka naman nagtatanong. Tapos alam mo namang hindi ako mahilig makipag-usap sa iba"
"Hayaan mo, friends na tayo. Tutal naman pinsan mo si Bb Dave, BFF na tayo" I said then winks at her. Tumawa naman siya. Happy ka ghurl?
"Naku! Boto ako sa inyong dalawa ni insan. Bagay na bagay kayo!" Aba! Magkakasundo kami neto Mwehehehe.
"I like you na!" Sambit ko at hinampas siya ng mahina sa braso.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...