Melissa's POV
Dave said he love me. Pero bakit hindi ako masaya? Bakit parang may kulang?
Ito ang plano ko, ang paghiwalayin si Camille at Dave. Pero nakokonsensiya ako, nasaktan ko silang pareho.
Hindi naman ako ganun ka-salbahe, may konsensiya naman ako. Ngayon ko lang napagtantong mas mahal ko pala si Dave kaysa kay Dominic.
At oo, aware ako tungkol sa Fake Relationship nila. For the mean time, naging kampante ako dahil alam kong hindi naman pala talaga mahal ni Dave si Camille at nagmomove on pa rin siya sa akin. But I was wrong when suddenly, everything changed.
Gusto kong bawiin si Dave mula kay Camille dahil alam kung mahal na nila ang isa't isa.
Mahal na siya ni Dave, and I don't like that idea...
[Flashback]
"Bro, its been 2 days since you and Camille talked. What's your plan?" Tanong ni Matt habang patuloy sa pag-inom ng beer.
Sinundan ko silang dalawa papuntang bar. Nagdisguise ako para hindi nila ako mahalatang nakikinig sa usapan nila.
"I miss her...so much. I wanna hug her tight, I wanna kiss her forehead down to her lips, I wanna be his boyfriend, for real. Lahat ko yan narealize for just 2 days" biglang sumikip ang dibdib ko ng marinig ko iyon mula kay Dave.
He really moved on from me, and Camille is the reason...
"You know what bro? You should talk to her as soon as possible. Maybe she's still waiting for your answers. And this is the right time to clear things up between the two of you" ani Matt.
Sandaling napaisip si Dave at agad na inubos ang beer sa baso niya.
"Yeah, you're right Matt. I think I should talk to her now" sambit ni Dave habang nagmamadaling nagbayad sa counter.
"I have to go" paalam niya kay Matt at tinapik niya ito sa balikat.
"Goodluck lover boy hahaha" pang-aasar ni Matt ngunit napailing lang si Dave at agad na lumabas ng Bar.
Sinundan ko siya hanggang condo.
"Babawiin kita Dave. I'll do anything just to get you back" bulong ko sa sarili at agad na pinaharurot ang kotse para sundan si Dave.
[End Of Flashback]
My plan worked, pero nakokonsensiya ako.
Camille is so good to me and to her brother, but I hurt them, the three of them.....
Camille's POV
"Manong, alis na po tayo" sambit ko sa taxi driver na pinara ko matapos makapasok sa loob ng taxi.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Teen FictionMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...