Camille's POV
"O.M.G?! Marvin?! Ikaw na talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Natawa naman si Marvin dahil sa reaksyon ko.
"Long time no see insan. Ganda na natin ah" tugon ni Marvin na ikinangiti ko naman. Maganda daw ako eh. Hindi talaga nagsisinungaling ang pinsan ko.
"Matagal na akong maganda ano ba. Teka, kamusta na kayo si Sophie? magjowa na kayo noh?" Pang-aasar ko kay Marvin na agad namang ikinakunot ng noo niya.
"Pano kami magkakatuluyan eh hindi ko nga yun gusto. Sinabihan ko na ngang tantanan ako pero pati pag-uwi ko sa Pilipinas ay sinundan ako. Lakas ng saltik ng babaeng yun" napailing naman si Marvin dahil sa sinabi niya.
Sa states kase sila nakatira kasama ang kapatid niyang si Mildred at ang mga magulang nila. Dahil doctor sila tita at tito sa states kung kaya't doon din sila nag-aaral para sama-sama pa rin sila.
"Ba't ka pala umuwi dito sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya na agad namang ikinalukot ng mukha niya.
"I decided to continue my college life here at the Philippines. Ok lang naman kay mommy at daddy" sagot niya sa akin.
"Oh yun naman pala eh. Bakit lukot 'yang pagmumukha mo?" takang tanong ko sa kanya.
"The reason why I wanted to study here is to get rid of Sophie because she sucks! I'm really irritated by her presence! Pero you know the worst part? She also followed me here. She also said that she'll study at the same university as mine! That's bullsh*t!" Nanggagalaiting tugon ni Marvin na ikinatawa ko. Epic ang mukha niya mga lodicakes. Parang pinagsukluban ng dalawang inodoro.
"Bakit ba kase hate na hate mo si Sophie? Well, she's beautiful, she's kind, she's smart, talented, a girlfriend material. Bakit ayaw mo pa?"
"Because I don't like her. I don't like desperate girls like her, tss" sambit ni Marvin at naglakad papuntang kotse. Sumunod naman ako sa kanya at binuksan ang pinto sa backseat.
Nang makaupo na ako ay agad akong nagsalita.
"Alam mo Marvin, napakaarte mo. Akala mo naman kung sinong gwapo. Oo, nasa lahi natin ang pagkakaroon ng magandang mukha pero grabe, napakaarte mo talaga. Almost perfect na si Sophie tapos ayaw mo pa? Ikaw kaya ang bullsh*t kung alam mo lang" panenermon ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Sino ba talaga sa amin ni Sophie ang pinsan mo?" Nakakalokong tanong ni Marvin na ikinatawa ko naman.
"Syempre ikaw kase parehas tayong habulin" tugon ko at nag fistbump pa kami.
"Ako lang ang habulin ng chicks, ikaw habulin ng aso HAHAHAHAHA" pang-aasar niya at humagalpak ng tawa. Binato ko naman sa kanya ang libro ko dahilan para mapatigil siya sa pagmamaneho.
"Wag kang ganyan, ma-aaksidente tayo niyan eh. Ayoko pang mamatay. Sayang ng pogi kong mukha" sambit niya at nagsimulang magmaneho ulit. Inirapan ko lang siya at kinuha ko ulit ang librong ibinato ko.
Halos 30 mimutes ang byahe pero asaran lang ang ginawa namin.
Pagdating namin sa bahay ay agad naman akong humawak at sumandal sa braso ni Marvin. Hindi ko na kase maakbayan dahil ang taas na niya. In all fairness, ang pogi na ng pinsan ko. Bagay talaga sila ni Sophie awittt.
Nakahawak lang ako sa braso niya papasok ng bahay. Nag-aasaran pa rin kami kaya pinapalo ko rin siya ng malakas sa braso niya pero tawa lang ng tawa ang mokong.
Pagpasok namin sa pinto ng bahay, nagulat ako ng may isang pamilyar na boses ang biglang tumawag sa akin.
"Camille..." tawag nito sa napakalamig na tono.
BINABASA MO ANG
30 Days to love me [Completed]
Novela JuvenilMasayahin at madaldal ako habang ikaw ay tahimik at misteryoso Mahal kita ngunit ganun ka rin ba? nasasaktan ka pero nasasaktan din ako dahil iba ang mahal mo. In 30 days, i'll make you fall in love with me. You'll forget about her, and you'll love...