Chapter 23

171 4 3
                                    

Chapter 23

Nerd Gone Wild

Written By: ElleDeer

 

"Haaaaayyyy.. napagod ako dun ah?" pagod na pagod na humiga sa sofa namin si Barbs.

Sumunod din naman ako sa kanya at saka umupo sa katapat nitong single sofa.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Barbs at agad na sumiksik sa inuupuan kong sofa.

"May utang ka pa sa akin." binigyan niya ako ng makabuluhang tingin na may kasamang baba at  taas ng kilay.

"Ha?" wala akong matandaang utang sa kanya.

"Di ba sabi mo ikekwento mo sa akin kung bakit parang umiiwas ka kay Dane?" pinanliitan niya ko ng mata.

Napasapo na lang ako sa noo ko at huminga ng malalim. Basta talaga tsismis walang pinapalagpas tong si  Barbs.

"O ano? sasabihin mo na ba o pipilitin pa kita?"

"Aish.. oo na! oo na! may magagawa pa ba ako?"

Ngumiti siya at pumalakpak

"Good!"

--

Matapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari simula dun sa pagwowalk out ko hanggang dun sa pagbalik ko sa kanya at pagbabago ng isip, hindi man lang siya nagsalita kahit isang word. Panay tango lang ang isinasagot niya sa akin.

Tinitingnan ko siya. Mukhang malalim yung iniisip niya. Galit kaya siya sa akin? o kay Dane? Ano bang iniisip niya?

Barbs' POV

Pagkatapos kong marinig lahat kay Barbs, naisip ko na tama palang nagustuhan ni Zhane si Dane. Dahil sa playboy na yun, gumanda ang dearest bestfriend ko! Hihihi.. Pero di ko pa rin siya mapapatawad. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niyang pananakit sa bestfriend ko. Kahit pa siya yung dahilan ng pagganda ni Zhane eh kung siya naman ang nananakit dito, aba! magkamatayan na kami!

Lumingon ako kay Zhane, nakita kong tinitingnan niya ako. Siguro inisip niya kung anong iniisip ko. Ganun na ba ako kaseryoso? mukha kasing natakot siya sa itsura ko. Hahahaha

 "May plano ako....."

nakita ko namang nag iba yung expression ng mukha niya. Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ko.

"P-plano?"  

tumango ako.

"Gagantihan natin siya. Ipapamukha natin sa kanya kung sino ang sinayang niya."

"Ha?"

 "In short, magmamaganda tayo! hahahahaha" 

natawa naman ako s aitsura ni Zhane, parang nalugi.

"Oh? bakit ganyan itsura mo?"

"Niloloko mo ba ako? Di naman ako maganda." binigyan nya ako ng death glare niya.

"Nakalimutan mo na ba? Minake over nga kita di ba?"

para namang biglang nag sink in sa kanya na iba na itsura niya ngayon.

"Oo nga no? Sige! Game ako diyan! Magmamaganda tayo Barbs! Ipapamukha nating sobrang ganda ng sinayang niya."

pagkasabi niya nun, sabay kaming napatawa.

Nerd Gone Wild (Ongoing)Where stories live. Discover now