Chapter 18

147 3 0
                                    

A/N: PALALA: Sabaw po ang update na to XDD Hahahaha.. pagpasensyahan niyo na XD Enjoy!

Nerd Gone Wild

Written By: ElleDeer

Chapter 18

ZHANE'S POV

Kasalukuyan na kaming nakaupo sa sofa, katabi ko sina Barbs at Dylan.

Dumating na rin yung mga kamag-anak namin na nakikiramay sa akin. Medyo madami dami din sila. Puro nga 'condolence' ang naririnig ko mula sa kanila pagpasok pa lamang nila dito sa bahay.

"Nasaan si Zhane?" may boses ng babaeng medyo may edad na yung biglang umalingawngaw dito sa bahay.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang aking tita na may hawak hawak na panyo at pulang pula ang mga mata.

Nilibot niya ang paningin niya hanggang sa makita niya akong nakaupo dito sa sofa.

"Zhaaaaaaaneeeee!!! Pamangkin ko!!!!!" sigaw niya nang makita niya ako.

Tumakbo siya papunta sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit at umiyak nang napakalakas habang nakayakap  sa akin.

Pagtingin ko sa iba naming kamag anak na kung kanina ay tahimik at lungkot na lungkot, ngayon ay nagbubulungan na at nakatingin kay tita martha. Alam kasi nila na malaki ang naging kasalanan ni tita Martha sa pamilya namin dati. Pero alam ko namang pinagsisihan na niya yun eh, kami lang nila mama at papa ang tanging nagpatawad sa kanya nung humingi siya ng sorry sa amin.

"ahm.. tita tama na po, pinagtitinginan ka na po nila."  

di pa rin ako binibitawan ni tita martha kahit alam nyang pinagtitinginan at pinagbubulungan na siya ng mga kamag anak namin dito. Kaya ako na ang bumitaw sa pagkakayap niya.

"Salamat po tita martha at nakapunta ka dito." sabi ko kay tita martha.

"Kailangan kong pumunta kasi alam kong kailangan mo ako ngayon. At isa pa-----" naputol ang sinasabi ni tita nang may biglang dumating....

"Kamusta Zhane?" may babaeng nagsalita. Pamilyar yung boses niya, kaya nilingon ko yung nagsalita, at laking gulat ko nang makita ko si Trishia at yung mga kaibigan niya na nakasuot ng pulang damit.

"Zhane, kilala mo ba yang mga babaeng yan?!" galit na tanong sa akin ni tita.

"Opo tita. Sila po yung laging umaaway sa akin." sabi ko.

"Aba! napaka kapal naman ng mga mukha nito! Nagawa pa nilang pumunta dito! At nagsuot pa ng pula!" galit na galit na sabi ni tita martha sa akin.

"Nakikiramay kami Zhane. Condolence." sabi ni Trishia habang nakangisi.

"Bakit ba kayo nandito?" galit na sabi ko.

Tumawa nang malakas si Trishia.

Tahimik na tahimik ang buong paligid. Tanging pagtawa lang ni Trishia ang maririnig.

"Ano ba naman yan nerd! namatay lang mga magulang mo, nabingi ka na." muling tumawa si Trishia, ngunit sa pagkakataong ito, kasama na niyang tumawa yung mga alagad niya.

Agad na kumulo yung dugo ko sa narinig ko.

"Idamay mo na lahat wag lang mga magulang ko!" sigaw ko kay Trishia. 

Nerd Gone Wild (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora