Chapter 3

379 7 0
                                    

Nerd Gone Wild

Written By: ElleDeer

Chapter 3

may pasok na naman. sana naman maging payapa na yung huling taon ko sa college. sana wala nang mang api sa akin (lol. mang api? ang lalim ah? XD)

pumunta na ako sa university sakay ulit ng kotse ko, non sense din naman kung itatago ko pa eh alam na naman nila na ako yung anak ng may ari ng university. pagdating ko sa university , ganun pa rin yung mga tingin nila sa akin , parang wala namang nagbago? ay teka , meron pala, yung mga bulungan nila nag iba na...

"siya ba talaga yung anak nila Mrs. Charles?? ang layo naman niya sa itsura nila nuh !!" - girl 1

"oo siya yun ! Charles nga apelyido niya eh ..." - girl 2

oh diba? nagiba yung mga sinasabi nila. pero yung mga tingin nila, ganun pa din eh! 

habang naglalakad ako sa hallway , tinitingan pa rin nila ako.. kumalat na talaga yung balita dito sa buong universty na ako yung successor nito. sana effective yung ginawa ko , sana di na ako saktan nila Trishia at hindi na nila ako apihin. pero mukhang nagkamali ako. sila trishia, palapit na sa akin.

"Hey Loser!"- Allen

tinuro ako ni Allen at saka ako hinarangan.

"so ikaw pala ang anak nila Mrs. Charles huh?" - Trichia

 alam na rin pala nila.

"oo, bakit?"

sinagot ko sila ng taas noo. kailangan ko na tong gawin para na rin tumigil sila.

"aba! lalaban ka?"

akmang sasampalin ako ni lanie. kaso pinigilan siya ni trishia.

"eh tinatanong niyo ko , so sasagot lang naman ako in return diba? ang bastos ko naman yata kung dededmahin ko lang kayo diba?" 

tinulak ako ng malakas ni Trishia , kaya napaupo ako sa sahig.. tumayo ako at tinulak ko rin siya. kailangan ko nang lumaban ngayon, sobra na kasi sila. ang tagal ko ring nagtiis sa mga pang aaping natatanggap ko.

"ano bang problema niyo? inaano ko ba kayo ?"

sinigiwan ko sila.

nagsimula nang magcheer at magkagulo yung mga estudyanteng nanonood sa amin.

"TRISHIA! TRISHIA! TRISHIA!"

"ZHANE! ZHANE! ZHANE!"

nag iba bigla yung expression ng mukha ni Trishia naging galit na galit yung itsura niya .. ang sama ng tingin niya sa akin. tumayo siya tapos bigla na lang niyang hinatak yung buhok ko, kaya hinatak ko rin yung buhok niya ng mas malakas na nag cause para matumba siya at sumigaw sa sakit. dahil dun, mas lalong tumindi yung sigawan ng mga estudyante ..

pumaibabaw ako kay Trishia at pinagsasabunutan siya, kaso mas malakas siya sa akin kaya napunta siya sa ibabaw ko at sinabunutan niya ko ng mas malakas tapos pinagsasampal niya ko sa pisngi ko.. kinalmot niya rin ako ng mahahaba niyang kuko.. 

"You Btch !!!" - Trishia

sigaw niya ng may pang gigigil sa tono niya.

"tigilan mo na nga ako Trishia!!!" 

sabi ko sa kanya habang pilit kong inaalis yung kamay niya sa buhok ko.

"I won't !!! and I don't want!! I want you to suffer because you played a game with the wrong person!!" - Trishia

di na ko nakapagsalita kasi nasasaktan na talaga ako sa mga ginagawa niya.. puno na ko ng kalmot ni Trishia di ko na nga magawang lumaban s akanya dahil narin sa sakit at hapdi nung mga ginawa niya sa akin .. nagdudugo na nga yung mga kinalmot niya eh, tapos yung pisngi ko pulang pula na sa kakasampal niya. tapos andami nang nagkalat na buhok sa sahig kasi andami niyang nahugot sa ulo ko. pero kahit ganun, wala pa rin siyang tigil, tinutuloy pa rin niya yung pananabunot sa akin kahit alam niyang nanghihina na ako.

 biglang tumahimik yung mga estudyante.. pati si Trishia napatigil sa pagsabunot sa akin at biglang umalis na pagkakadagan sa akin. di ko na magawang idilat yung mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko. kaya hindi ko rin makita kung ano na ba talagang nangyayari.

"TRISHIA! WHAT THE HELL !!! ano na naman bang ginawa mo ???!! nambubully ka na naman???" 

lalaki siya , kaso di ko nga lang makita yung mukha niyakasi di ko na kayang maidilat yung mata ko .

"Da----" 

pinutol nung lalaki yung sasabihin ni Trishia. narinig ko na lang na umiiyak na si trishia.

"hey miss , are you alright ? "

tinatanong niya ako habang tinitingnan yung mga sugat ko ..

"yes, I'm alright"

nagawa ko pa ring makasagot sa tanong niya kahit hinang hina na ako.

"miss !!!" 

yan lang yung narinig ko bago ako biglang nawalan ng malay..

Nerd Gone Wild (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora