Nerd Gone WIld
Written By: ElleDeer
Chapter 16
nakarating kami ng hospital nang wala man lang umiimik sa amin. spell awkward -_-
"hoy! wala ba kayong balak magsibaba?" sigaw sa amin ni barbs habang kinakatok yung bintana mula sa labas.
nakalabas na pala tong si barbs? ang bilis naman yata?
"oo na! eto na lalabas na nga eh!" sigaw ni dylan kay barbs
may napapansin talaga ako dito sa dalawang to eh. parang aso't pusa pero minsan naman nakakasundo din.
"labas na ako zhane ah." paalam sa akin ni dane.
buti pa si dane nagpaalam sa akin, samantalang si dylan wala man lang ni isang salitang sinabi sa akin. teka teka teka.... bakit ko nga ba pinagkukumpara si dylan at dane? eh di hamak na mas mabait, at---- at---- ano nga ba? mas gwapo kasi si dylan eh, pero-------- teka nga? ano ba tong pinagiiisip ko? psh... *iling iling* ano ba naman yan zhane! ang pangety panget mo na nga, nagawa mo pang lumandi ng ganyan! tsaka baka magalit sa akin sina mama at papa. oo nga! tama! di ko muna iisipin yang mga lalaking yan! madami naman diyan eh! sina mama at papa muna ang iisipin ko sa ngayon. oo nga. kaya ko to! AJA AJA!
"zhane di ka pa ba lalabas?" sabi ni dane habang kinakatok yung bintana sa gilid ko.
"ah. bababa na ako." sabi ko habangh binubuksan yung pinto.
inalalayan ako ni dane habang bumaba. napalingon ako sa direksyon nila dylan at barbs. nag uusap sila, parang seryoso yung pinaguusapan nila pero mas napansin ko na bagay pala sila? eh kung paglapitin ko kaya silang dalawa? oo tama! paglalapitin ko sila tapos magiging sila. pag naging sila, magiging kami ni dane! o di ba ang galing ng naisip ko! teka nga, diba sabi ko di ko muna sila iisipin? ok erase erase.
"tara na sa loob?" yaya ko sa kanila.
"sige" -barbs
"ako na lang mag aasikaso ng mga kailangang gawin. alam kong pagod ka dahil sa nangyari. magpahinga ka na muna diyan." -dylan
kumunot yung noo ni dane pagkarinig niya dun sa sinabi ni dylan.
"ako din, sasamahan ko na siya."
sabi ni dane habang tinitingnan ng masama si dylan at ganun din naman si dylan sa kanya. hindi na ba magkakasundo tong dalawang to? eh kung sila kaya pagpartnerin ko? ay! wag, sayang kagwapuhan ni dylan. tsk tsk.. teka? ano? si dylan ba yung sinabi ko? aish! ano ba .... kay dane ako eh.. huhuhuhu.. sorry mama, papa. ang landi ng anak niyo. hahaha don't worry, mahal ko naman po kayo eh.
"ay! sige, maiwan na muna kami dito ni zhane." - barbs
bumalik lang ulit ako sa katinuan nang marinig ko si barbs na tumatawa na parang baliw.
"hoy, anong nakakatawa?"
"ha? wala naman. si dylan tsaka dane kasi eh. parang mga tanga. ang isip bata. hahahahahaha!"
"alam mo ba, bagay kayo ni dylan"
pagkasabi ko nun biglang tumigil tong lukaret na to sa pagtawa. tapos binigyan ako ng 'seryoso ka ba?' look.
"bakit?" tanong ko kay barbs na nakatingin pa rin sa akin at hindi gumagalaw.
"kami? bagay? yuck! ang panget panget nun eh! " umarte siyang parang nasusuka.
"maka yuck naman! ang pogi kaya ni dylan!"
bigla akong tiningnan ni barbs ng nakakaloko. mukhang alam ko na iniisip nito ah?
"alam ko na yang iniisip mo. wala akong gusto kay dylan ok?"
lalo pang lumawak yung ngiti niya.
"bakit? may sinasabi ba akong may gusto ka sa kanya? masyado ka yatang defensive? ipinagpalit mo na ba agad si dane? ha? ha? ha?"
siniko siko niya ko with matching taas baba ng kilay.
"oy hindi ah! kay dane parin ako noh!"
"alam mo ba, parang may masama akong kutob ka dane. para kasing may di magandang gagawin yan eh."
kumunot yung noo ko
'anong ibig mong sabihin?"
"hindi ko alam eh? basta parang may nasesense ako sa kanya. hindi ko lang alam kung ano. basta mag iingat ka diyan kay dane ha?"
"ha? a-ah sige"
di ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni barbs pero parang bigla akong kinabahan?
"ok na daw, sila na daw ang bahalang mag asikaso sa parents mo. baka daw bukas pwede nang ilamay. 1 day lang naman diba?" -dylan
"ha? ah sige.pwedeng umuwi na tayo? bigla kasing sumama pakiramdam ko eh. tawagan ko na lang kayo bukas and tatawagan ko na din yung mga relatives namin para bukas."
"sige." -dylan
"alalayan na kita" -dane
inalalayan ako ni dane hanggang sa makarating ng kotse. nagdrive lang si dane papuntang bahay. si barbs naman nakatulog sa biyahe. tapos si dane na,an parang ang lalim ng iniisip.
"dito na tayo. bumaba ka na at magpahinga ka na dyan sa loob. baka lumala yan at maging sakit pa." -dylan
"o sige bye. salamat. mag ingat kayo ah."
sumabay na din sa pagbaba ko si dane.
"oh pano ba yan una na ako. sorry kundi ako makakapunta bukas may importante kasi akong pupuntahan eh. sorry talaga."
"hindi. ok lang. tinulungan mo naman ako ngayon eh."
"sige. thanks and bye"
tapos hinalikan niya ako sa pisngi at nag wave ng kamay niya habang ngumingiti. nakatulala akong tinitingnan yung kotse niya na papalayo na sa bahay namin.
bakit niya ako hinalikan? O.o may gusto din ba siya sa akin? hala!! thank you Lord!!! siguro alam niyo to mama at papa no? kaya siguro tinulungan niyo ko! hahaha thank you po talaga I love you!
eh baka naman kasi friendly kiss lang yon? sabi nung masama kong kunsensya
hindi kaya! love na ko dane! bleeehhh! sabi nung mabuti kong onsensya.
ewan ko sayo. sasaktan ka lang nun! wag ka nang umasa pa! -masamang konsensya
ako? sasaktan ni dane? di kaya! -mabuting konsensya
pero teka.. paano nga kaya kung saktan lang pala ako ni dane? aisssshhhh!!! erase erase erase!!!! nagmamaganda na naman ako! eh ang panget panget ko nga naman, paano nga naman ako magugustuhan ni dane. psshhh... hanggang pangarap lang ako. makapasok na nga lang sa bahay.
pagpasok ko, kumain muna ko then pumunta na ako sa kwarto ko. ginawa ang mga rituals bago matulog tapos natulog na ako ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Nerd Gone Wild (Ongoing)
Teen FictionAng nerdy girl na si Zhane ay biglang magiging si Aphrodite na wild ?! subaybayan natin ang istorya niya at kung pano siya magtatransform from a nerdy girl to a wild bitch. at kung sino ang makakapagpalambot muli ng puso niya at makakasama niya for...