Chapter 26

121 4 2
                                    

Nerd Gone Wild

Written by: ElleDeer


Chapter 26

Zhane's POV

Nasa kotse kami ngayon papuntang university. Katabi ko si Dylan. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko? Kasi tuwing nakikita ko silang nagbibiruan ni Barbs, parang may kumikirot sa dibdib ko tapos nung hawak ko yung kamay niya kanina parang may kuryente? Tapos ngayon namang katabi ko siya parang hindi ako mapakali, may kung ano kasi sa tiyan ko. Yung parang natatae ako na ewan? Aisssshhh.. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Baka naman natatae lng talaga ako? Oo! Siguro nga.

"Nandito na tayo Zhane. Hindi ka pa ba bababa? Kanina pa nakababa si Barbs oh." Natigil yung pagiisip ko nang biglang magsalita si Dylan.

"Ah. O-oo, bababa na ako." Agad naman akong bumaba.

Parang may kung ano talaga akong nararamdaman pag nakakausap o nakakatabi ko si Dylan. Siguro normal lang to? Oo. Normal lang to. Lalaki siya babae ako, normal lang sigurong mailang ako sa kanya. Ilang nga lang siguro tong nararamdaman ko.

Binalewala ko na muna yung pagiisip sa kung anong nararamdamn ko. Naglalakad na kaming tatlo ngayon papunta sa mga klase namin. Wala kaming same classes ngayon kaya hiwa hiwalay kami. Habang naglalakad kami may mga naririnig akong bulung bulungan.

"Transferee kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita eh."

 

"Girlfriend ba siya ni Dylan? Sayang crush ko pa naman si Dylan, taken nap ala,"

 

"Nasaan kaya si Nerdy Zhane?? Bakit kaya hindi nila kasama yun?"

 

"Baka ipinagpalit na nila si Zhane dun sa magandang babae. Serves her right! Mas bagay yung new girl na maging friend nila kaysa kay Zhane,"

Juiceko! Bulong bay un? Eh rinig na rinig ko.

"Wag mo na lang silang pansi——" nautol yung sasabihin ni Dylan nang biglang sumigaw si Barbs.

 

"Hoy! Mga panget na bubuyog! Kung pagchichismisan niyo tong kasama namin, yung hindi naman naming maririnig diba? At saka for your information, si Zhane kaya tong kasama namin!!!" gigil na gigil na sigaw ni Barbs.

"Barbs tama na." awat ko sa kanya.

"Oh! Look! Mukhang nagparetoke si Zhane." Biglang lumabas si Trishia kasama yung mga alipores niya.

Nagtawanan naman yung mga taong nandon.

"Hoy! Hindi ako nagparetoke no!" sagot ko.

Oras na siguro para lumaban ako para s asarili ko.

"Talaga lang ah? Eh anong tawag mo diyan himala?" Nagtawanan ulit sila.

"Para sabihin ko sayo, natural itong mukha ko! Baka ikaw yung nagparetoke?" pang aasar ko.

Nerd Gone Wild (Ongoing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ