Chapter 27

91 3 0
                                    

Nerd Gone Wild

Written by: ElleDeer



Chapter 27


Zhane's POV


Napagdesiyunan kong gagawin ko kung anong gusto ko. At iyon ay ang ipakita ang totoong ako. Ang Zhane na palaban, mataray, at walang sinasanto. Sa katanuyan, ayun naman talaga ang ugali ko dati. Kaso may napahamak nang dahil sa akin kaya itinigil ko na yung pagiging madita ko.


*Flashback*


"Hoy! anong tinatayo tayo mo diyan? Hinaharangan mo yung daanan ko eh!" sigaw ko sa kapwa ko batang babae na nakatayo sa harapan ko. Kaming dalawa lang yung tao dito. Kaya walang nakakarinig sa amin.


Nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi gumagalaw.


"Ano ba? Narinig mo ba ako? Di ka aalis?!" dinuro duro ko siya. Naiiyak na siya pero di pa rin siya umaalis sa harapan ko.


"Ang kulit mo din eh no?!" lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng malakas at malutong na sampal.


"Yan ang nababagay sa mga walang kwentang tulad mo!" sigaw ko sa umiiyak na ngayong batang babae.


Tiningnan niya ako ng masama at saka ito tumakbo papunta sa kabilang parte ng kalsada.


*beep beep*


"Bata!" sigaw ko.


Pero huli na ang lahat. Nasagasaan na siya ng malaking truck. Agad akong tumakbo palayo para hindi ako makita ng driver.


Kitang kita ng mga mata ko kung anong nangyari. Pero dahil sa sobrang takot ko, wala akong pinagsabihan na ako yung may kasalanan. Dead on arrival yung batang babae at nakulong yung driver ng truck. Hindi man lang nabahiran ng kahit na ano yung pangalan ko. Pero sobrang inuusig ako ng konsensya ko. Dinalaw ko siya sa puntod niya.


"Sorry. Alam kong ako ang may kasalanan. Sorry talaga. Sobrang nagsisisi na ako ngayon. Sana mapatawad mo ako. Hindi na ulit ako mambubully ng iba para lang mapatawad mo ako. Promise ko yan sayo. Please, mapatawad mo sana ako."


Nilagay ko yung bulaklak na dala ko at saka umuwi ng bahay.


Tinupad ko yung pangako ko sa kanya. Lumipat ako ng eskwelahan at hindi na muli pang nambully.


*end of flashback*


"Sorry Thea, hindi ko na kaya eh. Sumusobra na sila. Babalik na ako sa dati."


Agad akong pumunta sa bahay para ayusin yung mga damit ko.


Nerd Gone Wild (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora