Chapter 17

181 5 2
                                    

Nerd Gone WIld

Written By: ElleDeer

Chapter 17

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na nanggagaling sa may malaking bintana sa kwarto ko. Nag aalangan akong tumayo kasi alam ko sa sarili ko na kailangan ko nang mag paalam sa mga magulang ko ngayong araw. Di ko alam kung makakayanan ko bang itago itong lungkot na nararamdaman ko sa harap ng aking mga kaibigan at kugn kaya ko bang pakawalan ang dalawang taong nagina importante sa buhay ko.

*kriiiiiiinggggg... kriiiiiiinggggg..*

nagulat ako sa biglaang pagtunong ng cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

Barbs calling.......

Si Barbs pala. Agad kong sinagot yung tawag.

"Hello? Zhane?" bungad agad sa akin ni Barbs sa kabilang linya.

"Hello" malungkot na tugon ko dito.

"Ahmm.. nakahanda na yung lahat sa baba. Tawagan mo na lang yung relatives niyo, para makabisita na agad sila." nag aalangan na sagot sa akin ni Barbs.

"oo sige. Tatawagan ko na sila." sagot ko.

"Zhane, wag ka nang malungkot, nandito kami ni Dylan para sayo. Hayaan mo, pupunta agad kami diyan sa inyo para naman di ka na malungkot. Ok ba yun?" masayang sabi sa akin ni Barbs.

Napagaan niya yung pakiramdam ko pero di totally na nawala yung pain na nararamdaman ko. Kaya laking pasasalamat  ko at dumating sina Barbs at Dylan sa buhay ko. Sila ang naging sandalan ko sa panahon na wala akong malapitan.

"Thank you Barbs. Thank you talaga."  sabi ko sa kanya.

"Oh , sige. Bye na. Magbibihis lang ako. At pupunta rin kami diyan n iDylan. Wait mo lang kami ah?"

"Bye din."

pagkatapos naming mag usap ni Barbs sa cellphone, agad akong bumaba at pumunta sa may telephone namin. Isa- isa kong tinawagan yung mga relatives namin. Yung iba sobrang nagulat sa bilglaang nangyari, yung iba naman hindi na, kasi nakarating na pala sa kanila yung balita. Tawag ko na lang yung hinihintay nila.

Kasalukuyan ko ngayong tinutulungan si Manang sa pag aayos ng mga kailangang asikasuhin.

"Sige na Iha, ako na dito. Pumunta ka na muna doon sa mga magulang mo. Alam ko namang nangungulila ka na sa kanila. Sige na tingnan mo na muna sila. Di ka na makakatingin diyan mamaya kasi dadagsa na yung mga makikipaglibing." sabi sa akin ni manang. 

Tumango ako kay manang at saka ako pumunta sa may sala namin. Nang makarating ako malapit sa dalawang puting kabaong na nakalagay sa pinakagitna ng sala, nanigas ang buong katawan ko. Parang namanhid. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na gumalaw, ayaw talaga. Naramdaman ko na lang na may mga luha na palang tumutulo galing sa mga mata ko.

Pinilit kong makalapit sa kabaong kahit na ayaw makisama ng katawan ko, kailangan kong makita sila kahit sa huling sandali na makikita ko sila.

Nang marating ko ang tapat ng kabaong, una kong pinuntahan ay yung kay mama. Hinaplos ko yung salamin na nakatakip kay mama. Unti unti na namang namuo ang mga luha sa mata ko. 

Bumalik sa isipan ko yung mga memories namin ni Mama na magkasama. Yung pag aalaga niya sa akin simula pagkabata ko hanggang ngayong pagdadalaga ko. Yung lagi niyang pag aadvice pag may problema ako, lagi niya akong dinadamayan at pinapagaan niya yung loob ko. Para sa akin siya ang naging best friend ko at the same time ang best mother in the world. Kaso ngayon, wala na. wala nang mag aadvice sa akin pag may problem ako, wala nang mag aalaga sa akin pag may sakit ako at magbibigay ng kisspirin at yakapsul sa akin, wala nang tutulong sa akin pagdating sa love at higit sa lahat wala na ang pinakamamahal kong babae sa buong buhay ko. Tinitigan ko ng mga ilang minuto yung mukha ni mama, para kahit anong mangyari, hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niya sa huling pagkakataon ng pagkikita namin.

Nerd Gone Wild (Ongoing)Where stories live. Discover now