Nerd Gone Wild
Written by: ElleDeer
Chapter 22
Zhane's POV
natigil ako sa paglalakad nang magtagpo ang mga mata namin. Parang nakalimutan ko na nga huminga. Lahat ng pagmamahal na meron ako sa kanya dati ay naging pagkamuhi na matapos kong marinig lahat ng sinabi niya kanina.
"Dane" mahinang sabi ko na naging dahilan para tumingin si Barbs sa tinitingnan ko.
nagawa ko na ring mahanap yung boses na kanina ko pa hinahanap.
"Uy! Dane!" sabi ni Barbs sabay kaway kay Dane.
Ngumiti naman sa kanya si Dane "Hi Barbs!" at saka ulit binalik yung tingin sa akin
Biglang bumlis yung tibok ng puso ko nang makita kong papalapit na sila sa amin. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis pero di ko magawa.
"Anong ginagawa mo dito Barbs? Asan si Zhane? Tsaka sino yang magandang kasama mo?" sabay wink sa akin.
Bigla namang kumulo yung dugo ko. Ano yun? Porket ganito na itsura ko ganyan na siya sa akin? Tsk Tsk. Iba na talaga nagagawa ng panlabas na anyo.
Narinig ko namang nagchuckle si barbs. Kaya napatingin kami sa kanya ni Dane.
"Kasama ko si Zhane." sabi ni Barbs habang tumatawa ng mahina.
"Asan siya?" tanong ni Dane habang lumilinga linga sa paligid.
"Nasa harap mo." ngiting ngiti si Barbs habang nakatingin sa itsura ni Dane.
Nanlaki yung mata niya nang mapagtanto niyang ako nga yung kaharap niya. Yung sinabihan niya ng "maganda".
"I-ikaw si Zhane?" tanong niya.
Tumango ako at saka nag iwas ng tingin.
"Seryoso?"
Bigla akong nainis sa tanong niyang yun. Porket ba panget ako dti di na ako pwede maging maganda? Ganun na ba ngayon? Naalala ko na naman yung mga narinig ko kanina. ..
*Flashback*
Habang naglalakad ako, napatigil ako sa tapat ng music room. May narinig
akong dalawang lalaking nag uusap. Nagtago ako malapit sa may pinto
nakinig ako sa pag uusap nila nang marinig ko yung pangalan ko at napatakip
ako sa bibig ko nang malaman ko ang sinabi nila tungkol sa akin. Pamilyar sa
akin yung boses ng isang lalaki kaya sinilip ko ito.
Nagtago muna ako sa likod ng pinto at saka ako sumilip sa loob ng music room.
Tama nga ang hinala ko. Boses pa lang niya kilalang kilala ko na.
"Dane" mahinang bulong ko.
"Ano bang turing mo sa kanya pare? Mahal mo na ba siya? Ang panget nun pre! Mukhang talo ka sa pustahan ah?" narinig kong sabi ng kaibigan ni dane.
Pustahan? Mahal? Panget? ako ba tinuyukoy nila?
aalis na sana ako dahil ayaw kong makinig sa usapan ng iba kaso parang napako ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses ni Dane...
YOU ARE READING
Nerd Gone Wild (Ongoing)
Teen FictionAng nerdy girl na si Zhane ay biglang magiging si Aphrodite na wild ?! subaybayan natin ang istorya niya at kung pano siya magtatransform from a nerdy girl to a wild bitch. at kung sino ang makakapagpalambot muli ng puso niya at makakasama niya for...