Chapter 14

200 6 1
                                    

Nerd Gone WIld

Written By: ElleDeer

Chapter 14

"Zhane gumising ka!!!!!"

hmmm.... ano ba yun? ang ingay naman!!!!

"Zhane!!!!"  

arrgggghhh!!! ang ingay!!

"Zhane!!"

@#%$#@#% !!! ang ingay talaga !!!

"Zhane!"

@#$---- ay teka? bakit parang may basa?? may tumulo sa mukha ko.. ano yun laway? yuuuckkk!!!

dinilat ko na yung mata ko, napasarap kasi yata yung tulog ko ehh. pag dilat ko, bumungad agad sakin yung umiiyak na mukha nila manang, Dylan at Barbs. Luh? anong nangyari sa mga to? parang pinagsakluban ng langit at lupa?

"hala!! manang, Dylan, Barbs.. bakit kayo umiiyak? anong nangyari?" tanong ko sa kanila na may halong pagtataka at gulat.

hindi sila nagsalita, tumigil sila sa pagluha pero nabalot naman ng gulat yung mga mukha nila.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" 

biglang sumigaw si Barbs sa hindi malamang dahilan, na sinundan din ng sigaw ni manang. Si Dylan naman, biglang gumapang palayo sa akin at nagpunta dun sa sulok ng kwarto. 

"Hala? bakit kayo sumigaw?" O___o tanong ko

 gulong gulo na ko ah? para na silang binuhusan ng napakaraming yelo at malamig na tubig dun sa sulok. Nagsisiksikan pa sila dun -___-

"Bakit bigla kang bumangon? d-diba p-patay ka na?"  

tanong ni barbs sa akin na parang natatakot. Nanginginig siya at namumutla. Pero teka? ano yung sa bi niya? anong patay?! O______o

"ha?! patay? sinong patay?" 

 tanong ko sa kanila na gulong gulo ung itsura ko.

"ikaw!" sabay sabay nilang sabi sabay turo sa akin.

"ako?!"  tinuro ko yung sarili ko na parang hindi ako sigurado.

"oo!" sabay sabay ulit nilang sabi na may kasama pang pagtango.

"'teka teka... unang una, hindi ako patay! tingnan niyo nga oh! buhay na buhay ako! pangalawa bakit ganyan kayo makareact at ano ba yung sinasabi niyong patay? at pangatlo bakit nandito kayong lahat sa kwarto ko?!"

"eh kasi naman , may dugo ka kaya! kaya akala namin patay ka na!"  sabi ni barbs sabay turo sa may damit ko.

dugo? tiningnan ko yung damit ko, pati na rin yung sahig. OMO!!! ang daming dugo?! san galing to?

"hala?! bakit ang daming dugo?" O___o tanong ko sa kanila habang tinitingnan ko yung dugo.

LOADING....

LOADING......

LOADING........

LOADING..........

LOADING.............

*TING!*

"ay! oo nga pala!!"  naalala ko na!!!!

"bakit?" gulat na tanong sa akin ni Dylan.

"eh kasi naman, naalala ko na uminom pala ako kanina ng red wine, eh nahulog sa kamay ko yung bote kaya natapon tapos nilinis ko yung mga bubog eh ang kaso lasing na ako kaya bigla na lang ako nakatulog dito. Napanood ko kasi sa mga koreanobela na kapag uminom sila ng wine, nawawala yung problema nila ehh. Baka mangyari din sa akin yun kaya sinubukan ko."

Nerd Gone Wild (Ongoing)Where stories live. Discover now