Chapter 28

168 5 9
                                    

Nerd Gone Wild

Written by: ElleDeer

A/N: Gagawin ko na po itong Third person's POV okay?

Chapter 28

 

"Zhane, sis! Gising na!"

Nagising si Zhane dahil sa naramdaman niyang pagyugyog sa kanya ng ate niya. Umupo siya mula s apagkakahiga at tumingin sa ate niya.

"Sunod ka na lang dun ah? Nakahanda na yung breakfast."

Tmango na lang si Zhane bilang tugon sa sinabi ng ate niya. Pagkalabas ng ate niya, tumayo na ito at saka lumabas na din upang sumunod sa ate niya.

Kinukusot kusot pa nito ang mga mata niya habang tamad na tamad bumaba ng hagdan.

"Sis! Bilisan mo nga diyan. Nag iislow motion ka pa diyan. Malelate ka na oh!"

Paghuhuramentado ng Ate nito habang tinuturo yung orasan malapit sa hapagkainan.  Tumingin lamang dun si Zhane at saka umupo sa katapat na upuan ng ate niya.

"Hayaan mo yun hindi ako malelate." Tinatamad na sabi ni Zhane.

Napailing na lang ang ate nito at saka nagsimulang kumain.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang biglang magsalit ang ate niya.

 

"Ano nga pala pangalan nung lalaking pumunta dito dati? Nakalimutan ko kasi eh." Nahihiyang tanong ng ate niya.

Bigla namang natigilan sa pagkain si Zhane nang marinig ang tanong ng nakatatandang kapatid. Bigla siyang kinabahan.

"Dylan ang pangalan niya. Bakit mo natanong ate?"

Pinilit niyang magmukhang masigla sa harap ng ate niya.

"Ehhhhhh... Kasi......."

Yumuko ito at pinagdidikit yung dulo ng kanyang mga hintuturo.

"Kasiii.... Crush ko siya. Hihihihihi."

Kinikilig na sabi nito.

Nabitawan naman ni Zhane yung kutsara at tinidor niya dahil sa sinabi ng nakatatandang kapatid. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang yung reaksyon niya dahil sa sinabi ng kapatid. Napahawak siya sa dibdib niya dahil biglang may kumirot dito at parang may kung ano sa tiyan niya.

"A-ah.. Ganun ba?"

Nauutal na sabi ni Zhane sa ate niya. Pinilit pa rin niyang ngumiti sa harap nito.

 

"Kelan ulit siya pupunta dito? Gusto ko siyang Makita ulit para naman makapag usap kami."  Masayang sabi ng ate niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nerd Gone Wild (Ongoing)Where stories live. Discover now