Chapter 15

214 6 3
                                    

Nerd Gone WIld

Written By: ElleDeer

Chapter 15

*ding dong*

*ding dong*

sila barbs na kaya yun? ang bilis naman yata nila?

agad akong lumabas ng bahay para makita kung sino yung nagdoorbell.

"zhane!"

isang pamilyar na boses ang sumalubong sa akin. bigla ako nitong niyakap. agad akong kumalas sa yakap niya at tiningnan kung sino siya.

"dane? bakit nandito ka? di ka man lang nagsabi na pupunta ka pala dito? tara pasok muna tayo."

bahagyang nawala yung lungkot na nararamdaman ko nang makita ko si dane, kahit papaano ay napapasaya niya ako.

"bakit masama bang kamustahin ang bestfriend ko lalo na at may nangyaring di inaasahan."

nalungkot ako ng marinig ko ang 'bestfriend' . hanggang bestfriemd na lang ba ang tingin niya sa akin? pero ano nga ba naman ang iniisip ko? na magkakagusto sa isang panget na tulad ko ang isang gwapo at mabait na lalaki? siguro hanggang pangarap na  nga lang ako.

"hindi naman! ok naman na ako eh, nasa tabi ko naman sina barbs tsaka dylan nung lungkot na lungkot ako sa pagkamatay nila mama at papa. sila yung nagcomfort at dumamay sa akin that time."

kumunot yung noo niya pero bumalik rin naman agad sa dati.

"sinong dylan?"

"ah si dylan? siya at yung pamilya niya yung tumulong sa amin. sila yung nakakita ng buong pangyayari nung nangyari ang pagkakabangga nila mama at papa. kaibigan ko rin siya bukod sa inyo ni barbs"

nakakita ako ng pagkagulat sa kanya pero naicompose niya agad ng sarili niya at bumalik sa nakangiting itsura niya. bakit kaya?

"kakakilala mo pa lang sa kanya kinaibigan mo na agad? baka naman may masama yung balak sayo. naku mag iingat ka diyan sa isang yan!"

"nag aalala ka sakin?"

"oo naman! mahalaga ka kaya sa akin!"

mahalaga ako sa kanya? napanghiti sa sinabing iyon ni dane. at least may halaga pala ako sa kanya kahit bestfriend lang ang tingin niya sa akin. 

*ding dong*

may nagdoorbell ulit? baka sina barbs na talaga yun?

"sina barbs na yata yun dane?"

sabi ko kay dane habang tumatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

"zhane! nandito na kami! tara na!" sigaw ni barbs habang kinakalampag yung gate namin.

"sina barbs nga" -dane

"dane tara, nandun na sila."

lumabas kami ni dane. nakita namin sina barbs at dylan na nag aantay sa may labas ng gate namin.

"oh bakit ang tagal mo? oh dane! nandito ka pala?"

"oo eh, kinamusta ko kasi si zhane. alam mo na, paniguradong mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. kailangan niya ng karamay" -dane

nilingon ni barbs si dylan at saka ngumiti ng malapad.

"ganun ba kahalaga sayo si Zhane ha dane?"

Nerd Gone Wild (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon