Nerd Gone Wild
Written by: ElleDeer
Chapter 20
Tinitingnan ko yung likod ng babaeng naghulog ng bulaklak sa kabaong ni Papa.
Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang hinabol at kinalabit. May naramdaman na lang akong puwersa na nagtutulak sa akin para gawin ang bagay na iyon.
Huli na ang lahat para bumalik pa. Nakalabit ko na siya.
Lumingon siya sa akin. Napakaganda niya. Maputi siya, pa oblong shape yung mukha niya, may mahahabang pilik mata at brown na brown yung kulay ng mga mata niya, maliit at manipis lang ang kanyang mga labing kulay pula, matangos ang kanyang maliit na ilong, may mahabang kulay brown na buhok at may full bangs na bumagay naman sa kanya at kung titingnan ay mukhang mas matanda siya kaysa sa akin kasi halos magkasing tangkad lang kami.
"Bakit?" tanong niya nang nakangiti matapos ko siyang kalabitin.
"Ah-ahm..... Pwede bang matanong kung sino ka?" nag aalangan kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya dahil sa tanong ko. Masasabing kong hindi yun isang ngiting plastic kundi ngiting sinsero.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon. Pero hindi pa ngayon. Maghintay ka lang ng konti pang panahon, malalaman mo rin kung sino ako." tinapik niya ako sa balikat at nginitiang muli bago siya tuluyang umalis.
Pinanood ko na lamang siya habang palayo siya sa kinatatayuan ko.
"Maghihintay ako. Sino ka ba talaga?" bulong ko sa sarili ko.
--
Isang linggo na ang lumipas simula nung ilibing sina mama at papa. Araw araw akong dumadalaw sa kanila at kasama ko lagi doon sina Dylan at Barbs. Simula nung nakilala ko sila, mas lalong kaming naging close. Kumbaga sila yung maituturing kong first bestfriends ko.
"Zhaaaaaaaaane~~~! Bilisan mo malelate ka na!!!" inis na sigaw sa akin ni Barbs.
"Ano ba yan! nakakaridi yang boses mo!" rinig kong sabi sa kanya ni Dylan.
Nakakatuwa talaga sila, buti na lang talaga nakilala o sila. Nagkaroon ulit ng kulay yung buhay ko. Siguro regalo sila sa akin ni God kasi alam niyang mangyayari lahat ng iyon.
"Oo! teka lang bababa na!" sigaw ko sa kanila.
"Bilisan mo! Atat na atat na si Dylan na makita ka!" sigaw ni Barbs.
"Ano ba! Bakit mo sinabi yun?!" sabi ni Dylan sa kanya.
Habang patakbo akong bumababa sa hagdan, nakita ko silang naghahabulan. Hay nako... Ang gulo talaga ng dalawang to kahit kailan!
"Hoy! tara na! kala ko ba male late na tayo?"
biglang tumigil yung dalawa at biglang natauhan. Bigla silang tumakbo paputa sa kotse ni Dylan.
"Tara na!" hiihingal na sabi ni Barbs.
Samantalang nakatingin lang sa akin si Dylan habang hinihingal din.
Sabay sabay na kaming pumasok sa kotse. At saka nagsimulang mag drive si Dylan.
"!%#!*&$*@&^)$(@&%)_!!!! A------nooooooo ba---aaaaaa!!!! kyaaaaaaaahh!!" tili ni Barbs
Di naman ako makagalaw sa kinauupuan ko. Di rin ako makapagsalita. Di ko maibuka ang bibig ko. Nakakapit lang ako sa kanang pintuan ng kotse samantalang sa kaliwa naman nakakapit si Barbs.
YOU ARE READING
Nerd Gone Wild (Ongoing)
Teen FictionAng nerdy girl na si Zhane ay biglang magiging si Aphrodite na wild ?! subaybayan natin ang istorya niya at kung pano siya magtatransform from a nerdy girl to a wild bitch. at kung sino ang makakapagpalambot muli ng puso niya at makakasama niya for...