Nerd Gone Wild
Written By: ElleDeer
Chapter 4
'HIS' POV
naglalakad ako papuntang cafeteria ,nang may marinig akong mga sigawan.. di ko masyadong maintindihan yung mga sinasabi nila kasi medyo malayo ako. kaya napagdesisyunan kong puntahan yung kagulyuhan na nangyayari.
nung paglapit ko, tsaka ko lang narinig na pangalan ni Trishia yung sinisigaw nila tapos may mga ibang students din na sumisigaw ng Zhane..natigilan ako ng konti, nung maalala kong warfreak nga pala tong si Trishia.
"tabi !!! tumabi kayo !!!"
di nila ako pinapansin , kaya pinagtututulak ko na sila. bigla silang natigilan sa pagsigaw at tumahimik.
nang makarating na ako sa may harapan, saka ko lang nakita si Trishia na nakapaibabaw sa isang babae.Fck ! may binubully na naman siya !!!! pinagsasabunatan at kinakalmot niya ito. halata namang hinang hina na yung babae pero hindi pa rin niya tinitigilan. di parin ako napapansin ni Trishia kaya sumigaw na ako.
"TRISHIA! WHAT THE HELL !!! ano na naman bang ginawa mo ???!! nambubully ka na naman???"
biglang tumigil si Trishia sa pagkalmot dun sa babae .napatingin siya bigla sa akin nung una inis yung mukha niya kasi siguro nagalit siya na inistorbo ko yung pagbugbog niya dun sa babae , kaso napalitan agad yun ng gulat kasi siguro nung nakita niya na ako yung pumigil sa kanya..titingin sana sa akin yung babae pero mukhang di niya kaya ..
"Da----"
pinutol ko na yung sasbaihin niya kasi alam ko na namang magdadarama lang yan katulad dati. tiningnan ko siya ng masama.
" Ano ba Trishia! di ka parin nagbabago!! napaka isip bata mo pa rin. pwede bang tigilan mo na yang pam bubully mo. wala ka namang mapapala diyan eh! at kayo! *tinuro ko yung mga nanonood na estudyante* nag aaway na nga sa harap niyo, hindi niyo pa pinigilan!! at nag cheer pa kayo! ano to sabungan? umalis na nga kayo! kung hindi irerepeort ko kayong lahat!"
nagsi alisan naman yung mga nanonood. si Trishia naman umiiyak na dun sa gilid, pinapatahan nung mga kunsintidor niyang mga kaibigan. nilapitan ko yung babae.
"hey miss , are you alright ? "
gumalaw ng konti yung babae kaso mukhang hirap na hirap talaga siya. ..
"yes, I'm alright"
pero alam ko namang di siya ayos ,..
"miss !!"
tatanungin ko pa sana siya kung kaya niyang tumayo , kaso bigla siyang nahimatay kaya binuhat ko nalang siya papuntang clinic , marami rin kasi siyang sugat na nagdudugo kaya kailangan yung gamutin..
pagdating ko sa clinic sinabi ko agad sa nurse na gamutin siya .. pagkatapos siyang gamutin ng nurse , inihiga ko na siya sa bed dun sa clinic.. tinanggal ko muna yung eyeglass niya kasi basag na rin naman eh..pinagmasdan ko yung mukha niya .. actually maganda siya , as in super ganda !! yung mga pilikmata niya ang hahaba tsaka kulot , yung ilong naman niya ang tangos kissable din yung lips niya kaso dry nga lang , kulot din yug buhok niya kaso mukhang di niya sinusuklay , ang kinis din ng mukha niya , oily nga lang . di siguro to nagpupulbo =_= nung tinignan ko naman yung body figure niya , di naman siya ganun kapayat di rin naman siya mataba .. sakto lang and ang sexy niya nga eh..kaso bakit ganito suot nito? oversized na uniform ? eh mukha siyang manang dito eh.. -_- kaya siguro to binubully kasi mukha siyang manang. tsk tsk.. kawawang babae.
tumingin ako sa relo ko , 8:00 am palang, matutulog muna ko kasi di ko naman siya pwedeng iwan dito , baka puntahan siya ni Trishia dito at kung ano pang gawin nun dito. alam ko kung anong tumatakbo s aisip ng babaeng yun, kaya mas mabuti nang mag ingat.
*after 2 hours*
*yaaawwwnn* pagdilat ko , tulog pa rin siya , gisingin ko na kaya ? sige.. pero teka? anong gagawin ko ? .. ah! alam ko na ! kakalabitin ko na lang siya !!
Zhane's POV
*poke* "hmmmmmm..." ano ba yun?
*poke* " wag !! nakikiliti ako!"
*poke* " hihi.. nakikiliti nga ako"
*poke* "a-aray ! "
teka anu ba kasi yun ?? dinilat ko yung isa kong mata
O______-
O______O
>///////////////<
uwaaahhhhhh!! bakit may gwapong nilalang dito sa harap ko na sinusundot yung sugat ko ??!!
"a-ah.. sino ka?"
pautal utal kong tanong sa kanya. naku! mukha na yata akong monggoloid dito ah? di pa ko nakakapagsuklay. baka nga may panis na laway pa ko eh -____-
"Hi! I'm Harold Dane Jackson.. Dane na lang for short .."
sabi niya sabay abot nung kamay niya sa akin para makipag shake hands.
"Hello Harold !!" inabot ko rin yung kamay niya ... in short..
MAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY !!! >///////< chozzz!!! ang landi ng lola niyo! XD
"ahm.. teka? bakit ako nandito sa clinic?"
"nakalimutan mo na ba...? nag away kayo ni Trishia? kaya dinala kita dito kasi puro ka sugat tsaka nawalan ka pa ng malay .. pero sabi nung nurse, ok ka na .. kailangan mo lang daw ng konting pahinga"
"ay oo nga pala .. hehe ... thank you "
" you're welcome... by the way i need to go .. kasi may pupuntahan pa ko , inintay lang kitang magising ... oh , i forgot.. ano nga palang name mo ?"
ay oo nga noh? nakalimutan kong sabihin yung pangalan ko.. tangengot ka talaga Zhane! XD
"ah. Im Aprhodite Zhane Charles .."
"nice meeting you Aprodite !"*smile* "bye!"
aw sht! ang pogi pag ngumiti!!!!
"bye ! thank you ulet"
nag wave na lang ako ng kamay kahit masakit pa dahil sa mga pesteng sugat na to =____=
ang landi mo Zhane !!!eh alam mo namang di kayo bagay kasi ang pogi pogi niya tapos ikaw ang panget panget mo .. mukha kang basahan.. mas mabuting wag ka nang umasa !! - konsensya
heh ! tumigil ka nga konsensya !! nalove at first sight na yata ko sa kanya ??? kung ganon , gagawa ako ng paraan para mainlove din siya sa akin .. para kami na magkasama habang buhay !!!! yehey !! hahahah
hay nako ... basta wag mo kong sisisihin kapag nasaktan ka in the near future ... binalaan na kita .. - konsensya
blah.. .blah... blah ... nako !tumigil ka na nga konsensya ! ... oo na di kita sisisihin kasi di naman ako masasaktan nuh !!! expert yata toh ! hahaha
expert ka diyan? eh di ka panga nagkakaroon ng boyfriend! kahit nga manliligaw wala ka eh! -konsensya
Whatever!!! ewan ko sayo! wag mo ngang pigilan yung pangarap ko! libre na nga lang eh, pipigilan mo pa!
ewan ko sayo Zhane! -konsensya
YOU ARE READING
Nerd Gone Wild (Ongoing)
Teen FictionAng nerdy girl na si Zhane ay biglang magiging si Aphrodite na wild ?! subaybayan natin ang istorya niya at kung pano siya magtatransform from a nerdy girl to a wild bitch. at kung sino ang makakapagpalambot muli ng puso niya at makakasama niya for...