Chapter 25

117 5 4
                                    

Nerd Gone Wild

By ElleDeer

Chapter 25

 Zhane's POV


Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin.

"Lil' sis, gising na. May pasok ka pa."

Ang ganda naman nung boses. Sino ba yun?

"Hmm.."

Unti unti kong binuksan yung mga mata ko. Teka? Bakit kamukha ko yung babaeng nakatingin sa akin? Nananaginip ba ako?

"Sa wakas! Gumising ka din. Sumuko na yata battery ng alarm clock mo kaya hindi tumunog. Sige na! Bumangon ka na diyan. Malelate ka pa eh."

Lumabas na yung kamukha ko sa kwarto.

"Sino yu—- ah! Si ate! hahahaha. oo nga no? Bakit di ko agad naisip yun? Nakalimutan ko. Aish.. ang slow ko na."

Bumangon na ako at saka dumiretso sa banyo. Nagulat ako nang tumingin ako sa salamin. Di pa rin ako sanay sa mukha ko. Ibang iba na kasi. Pero kailanagan ko nang masanay dito. Naghilamos muna ako gamit yung mga products na binigay sa akin nung Dermatologist. Mahirap na, baka bugbugin pa ako ni Barbs pag nagkatigyawat ako ulit :3 Pagkatapos kong maghilamos, naligo na rin ako. Ginawa ko na din yung iba ko pang ginagawa pag pumapasok.

Pagkatapos ko sa lahat, agad akong bumaba para kumain ng breakfaxt. Kaso nasa kalahati a lang ako ng hagdan namin. Nakikita ko na yung itsura nila Barbs at Dylan. Nakatitig sila kay Ate habang si Ate nagtatakang nakatingin sa kanila. Natatawa naman akong bumaba at tumabi kay Ate.

"Oh? Ano pang tinatayo tayo niyo diyan? Tara! Kumain na tayo ng breakfast!" natatawa kong sabi.

"Z-zhane?" naguguluhan akong tiningnan ni Dylan habang pabalik balik yung tingin niya sa amin ni Ate.

"B-bakit dalawang Zhane?" naguguluhan din si Barbs.

"Hindi dalawa ang Zhane. At Ate ko siya okay?"

 

"P-pero paano?" naguguluhan pa din si Barbs.

Barbs' POV

OMG!! This is the day! Makikita na ni Dylan si Zhane ^_^ Nasa kotse ako ngayon ni Dylan habang nagdadrive siya papunta sa bahay ni Zhane.

"Oy, ang bilis mo yatang magdrive? Excited ka nang Makita si Zhane no?" pang aasar ko sa kanya. Tumingin naman siya saglit sa akin at saka nag blush.

"O-oy di ah!" kinakabahn niyang sagot.

"Eh bakit ka nauutal?"

 

"Ewan ko sayo" inis na sagot niya.

Nerd Gone Wild (Ongoing)Where stories live. Discover now