A/N: sorry kung nag hiatus tong story T^T nawalan kasi kami ng internet connection for almost 4 months kaya di ko agad naupdate. Sorry talaga :( nahihirapan kasi akong mag update sa computer shop. Masyado kasing maingay XD Anyways, sana mag enjoy kaso sa konting plot twist na ilalagay ko dito ;) HAHAHAHAHA.
Nerd Gone Wild
Written By: ElleDeer
Chapter 19
This is the day. Ngayong araw na ako magpapaalam sa kanila.
"Zhane, this is the day." malungkot na sabi sa akin ni Barbs.
Tiningnan ko siya at si Dylan na nakatingin lang sa aming dalawa.
"Yeah, this is the day." tipid akong ngumiti sa kanila.
Napakasakit pa rin sa aking tanggapin na wala na talaga sila. Na patay na sila at hinding hindi ko na mayayakap, makakausap o makikita. Pero kailangan kong tanggapin yung katotohanan na lahat ay may hangganan at sina Mama at Papa ay nakuha na yung hangganan nila.
"Zhane iha, Barbs at Dylan tara na. Nandyan na yung iba sa baba. Naghihintay sila." sabi ni Tita Martha sa amin.
Tumango na lang ako.
"Tara na?" aya ni Dylan.
"Sige mauna na kayo. May kukunin lang ako."
"Sige Zhane, mauna na kami. Hihintayin ka namin sa baba." pagpapaalam ni Barbs
Tumango na lang ako sa kanila at lumabas na sila ng kwarto.
Tiningnan ko yung diamond locket na nakapatong sa side table ko. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang kagandahan nito. Nagulat na lang ako nang may luhang tumulo galing sa mga mata ko. Naalala ko yung araw na ibinigay ito sa akin ni Mama at Papa.
*Flashback*
"Happy birthday Princess!" masayang bati sa akin ni Mama.
Napangiti ako sa mga sorpresang inihanda nila sa akin. Pero mas naging masaya ako dahil sa araw ng birthday ko, magkakasama kami at buo.
"Happy Birthday din Princess!" sabi sa akin ni Papa at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Thank you mama! Thank you papa!" masayang tugon ko sa kanila. At saka ko sila niyakap at hinalikan sa mga pisngi nila.
"And guess what? May birthday gift kami sayo!" sabi ni Mama
"Talaga po mama? yehey!!" pumalakpak ako at niyakap ulit sila.
May kinuha si Papa sa bulsa niya.
"Here Princess. Open it." inabot sa akin ni papa yung maliit na pink box.
Kinuha ko iyon at dahan dahang binuksan.
"Wow! Ang ganda!"
bumungad sa akin ang isang necklace na may pendant na heart na gawa sa diamonds.
"Akin po ito?" di makapaniwalang tanong ko kila Mama at Papa.
"Of course Princess! That's for you." sabi ni Papa.
"That's a locket. Buksan mo Princess." nakangiting sabi sa akin ni Mama.
Tiningnan ko yung heart pendant at may nakita nga akong bukasan doon sa may gilid. Pinindot ko ito at kusa itong bumukas. Picture naming tatlo sa left side ng heart pero walang nakalagay na picture sa right side.
KAMU SEDANG MEMBACA
Nerd Gone Wild (Ongoing)
Fiksi RemajaAng nerdy girl na si Zhane ay biglang magiging si Aphrodite na wild ?! subaybayan natin ang istorya niya at kung pano siya magtatransform from a nerdy girl to a wild bitch. at kung sino ang makakapagpalambot muli ng puso niya at makakasama niya for...