CHAPTER TWENTY

197 12 5
                                    


Umuwi si Trojan after the talk they made with her dad. Tahimik ang kaibigan the whole day. Wala siyang oras ring tanungin kung napano ito kanina dahil abala siyang mastress sa desisyon ng daddy niya na pababantayan siya kay Thomas.

She can perfectly protect herself from any threats, hindi naman siya damsel in distress, may alam naman siyang martial arts defense. Her dad is being stubborn again, ayaw nitong makinig sa kaniya. Nakauwi na ang lahat, her cousin Suzette also decided to sleep sa bahay ng mga magulang nito dahil kailangan na nitong paghandaan ang pag-aabogasya nito.

Charles also went home, Charles and his wife already had their own house kaya naiwan siya ngayon sa kanilang mansyon kasama ang mga magulang.

Her mom was so busy reviewing cases in their law firm kaya ang ama niya ngayon ang kinukulit niya.

"Dad, can't you reconsider, ayaw kong magkautang loob sa mga Scott, nakakahiya sa pamilya nila, baka sabihin nilang inaalila natin ang panganay at unico iho nila"

" Vea, stop overthinking, the Scott is fine with the idea and besides Thomas himself suggested and volunteered to protect you as a guard" saka tumayo ang ama " osiya, wag ka nang mag-isip pa diyan, don't complain dahil hindi na magbabago ang desisyon ko"

Napamaang siya sa ama and at the same time she is suppressing the irritation she is feeling towards Thomas. Anong pumasok sa kokote nito at ito pa talaga ang nag-volunteer na magbantay sa kaniya. Is he that desperate to take his vengeance against her.

Dahil sa inis nilubayan na lamang niya ang ama sa pangungulit.

KINAUMAGAHAN wala sa mood na lumabas si Veatrice sa kaniyang kwarto.

Ayaw sana niyang lumabas pero tumunog na ang tiyan niya sa gutom. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos ng sarili bumaba lang siya sa kusina.

She knows wala ang mga magulang niya ngayon because nagpaalam ang mga ito sa kaniya kanina na pupunta sa mansyon ng mga Scott para tapusin ang paghahanda sa gaganaping binyag ng pamangkin.

Isasama sana siya ng ina but she refuses. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Thomas. Mas okay pang mabagot siya sa loob ng kanilang malaking mansyon kaysa mabwiset sa lalaking iyon.

But to her surprise ang rason kung bakit hindi siya sumama sa lakad ng mga magulang ay nasa kitchen nila.

"What are you doing here" she asked surprised

"Cooking" payak na saad nito saka soya pinasadahan ng tingin "can't you tell"

"I don't get it, you are supposed to be on your mansion para sa preparation for--"

"You weren't there, and I ask your mom where you at, sinabi niyang hindi ka sumama and you've been locking yourself up in your room that's why I came" putek! Hindi man lang siya pinatapos magsalita ng lalaki na lihim niyang ikinainis.

"If this is about that insane 'security' hindi ba parang sumusobra ka na, I think I am safe here in our home, no need to guard me"

"You can't tell" sinamaan niya ng tingin ang lalaki at mukhang wala pang dito ang pamatay niyang tingin. Nginisihan lamang siya nito "Hindi natin alam baka pasukin ka dito, buti na yong sigurado tayo"

"Are you pissing me of?"

"Why would I?"

"Pagmumukha mo palang nakakairita na, kung hindi mo nga ako iniinis, umalis ka na ngayon dito" straightforward niyang amin

"Bakit ba galit na galit ka sakin? Is there something I need to know, as far as I know I didn't do anything wrong. Even if you deny it, ramdam kong galit ka sakin, why is that Veatrice?" He seriously asked.

So this is the game he wants to play huh, well I'll play it well this time, I will never lose for the second time around.

" Nah, I am not mad at you Mr. Scott, wala lang talaga ako sa mood, kaya kung maaari lang, umalis ka na sa harapan ko" malumanay niyang ani

" Hindi ako naniniwala" saka siya nito tinitigan ng mariin tila binabasa ang bawat ekspresyon na lumalabas sa kaniyang mukha

"Then it's not my problem kung ayaw mong maniwala" walang emosyong saad niya habang sinusuklian ang titig nito

"Aish, hirap mong basahin" bumitaw na ito sa pagtitig sa kaniya. "Umupo ka na diyan at nagluto ako para sayo. I bet hindi ka pa nag-breakfast kaya naghanda ako ng australian cuisine"

"Makabayan ako, gusto ko ng filipino food, you know adobo, lechon, and such"

"I don't know how to cook those, I'll learn how to cook those food pag may oras ako but for now ito muna, pinaghirapan ko naman ang lahat ng to, I even accidentally cut my fingers from preparing all of this" nakonsenya naman siya bigla sa sinabi nito. She can see na inayos talaga nito ang mga pagkain, the presentation of every food is nice. Tsk, why would she feel guilty about it, hindi nga ito nakonsenya nong pinaglaruan siya nito noon.

" First of all hindi ako naaawa sayo, I didn't ask you to cook all of this, kung masasayang man ang effort mo, hindi ko na kasalanan yun" 

Tahimik itong nilapag ang mango juice sa mesa. Looking at the counter na may nagkalat na mga balat ng mangga saka nagamit na juicer, hinanda ng binata ang lahat para sa kaniya. She wanted to appreciate the effort but thinking he might be playing his game on her again made her change her mind.

" Magugutom ka niyan kung hindi ka kakain. As far as I can remember you love this food way before noong nakatira ka pa sa mansyon namin remember" malumanay na ani sa kaniya ni Thomas

" Can you stop reminding me of the past. That was the pretender me, alangan namang nagpapanggap akong si Charles tapos mag-iinarte ako sa mga pagkain sa mansyon niyo noon. Nagtitiis lang ako that time  You may think you really know me dahil nakasama mo ako sa mansyon niyo ng ilang buwan well diyan ka nagkakamali. That person whom you were with was pretentious and kahit ni katiting walang pagkatao ko ang nandoon, so back of and don't think that we are close because we will never be"

" And yet you told me you aren't mad at me tapos iba naman ang pinapahiwatig ng mga salita mo at pinapakita ng mga kilos mo pero kahit ganiyan ayaw kong magutom ka, tita Rheona ask me to take care of you today kaya manunood muna ako ng tutorial dito kung pano lulutuin yang mga gusto mo. I'll try my best yo make this quick pero masarap" and she doesn't want to entertain the fact that Thomas voice now is being gentle. It seems that he was so genuine.

" Bakit mo ba to ginagawa?" she really wanted to know.

" Sabihin na nating ayaw kong may taong galit at may sama ng loob sakin and I really want to be close with you Veatrice, so close than you can ever imagine and I will do everything to make it possible so sit there quietly and wait for this to get done"

This is crazy. I must not get fooled!

A/N

Pasensya kung natagalan ang update, nabusy lang sa exams and assignments si author🤣. Pls leave a comment or a feedback with this chapter so I can know your thoughts. Enjoy reading lovelots.

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon