CHAPTER THREE

275 10 3
                                    


ALAS-ONSE na noong magising si Veatrice. Mahimbing pa rin ang tulog ng katabi niyang si Yna. Napatagal ang pagkukuwentuhan nila ng babae kagabi kaya puyat silang dalawa ngayon.

Bumangon siya mula sa kama at nag-sipilyo at naghilamos bago lumabas ng silid at bumaba patungong sala.

Nadatnan niya ang Don Henry na nagbabasa ng dyaryo, umangat ang tingin nito sa gawi niya at ngumiti, ibinaba nito ang binabasa "Oh, gising ka na pala Charles, how's your night?" may mapanudyong ani ng matanda sa kaniya.

Don Henry is 65 years old, sa tingin niya ay malusog naman ito kaya nakakapagtakang atat na atat itong mag-ka-apo gayong pakiwari niya ay tatagal pa naman ang buhay nito.

"It was nice Don Henry" matipid na tugon niya.

The old man laugh "Drop the 'Don' Charles" anito "simula ngayon tawagin mo nalang akong 'Paps' para maramdaman ko namang bumabata pa ako" hindi niya napigilang mapatawa sa iniwika ng matanda

Naalala niya ang yumaong abuelo sa matandang Don. Her lolo used to kid around, hindi rin nito gusto na marinig mula sa kanila na tumatanda na ito, noong nabubuhay pa ang kaniyang abuelo, she used to pissed her lolo na uugod-ugod na ito, hindi naman nagagalit sa kaniya ang abuelo bagkus tumatawa ito sa kaniya. She admit she's a lolo's girl.

That's why lubha talaga siyang nagluksa noong pumanaw ito.

Nakakatiyak siyang kapag nabubuhay pa ang kaniyang lolo ay makakasundo nito ang Don.

"Oh, bakit ka tumatawa?" nakangiting tanong ng matanda sa kaniya "don't tell me, katulad ka rin nina Thomas na hindi kayang pagbigyan ang simpleng hiling ko" nakasimangot na dugtong ng don.

"It's not like that, it's just that I remembered my abuelo in you, paps"

Nasisiyahang ngumiti sa kaniya ang matanda pagkarinig nito sa itinawag niya dito.

"Well, your lolo must be as handsome as me, I bet" nakangising ani ng matanda.

"Indeed, paps" mas lumaki ang ngisi ng don sa labi sa narinig "Kaso mukhang mas lamang ng kaunting paligo si lolo sayo, paps" dugtong niya na ikinabura ng ngisi ni don Henry.

"Napakapilyo mong bata, akala ko pa naman nakahanap na ako ng kakampi rito" pagak siyang natawa sa ani ng matanda.

Talking to the old man made her miss he abuelo even more. Ganoon na ganoon sila mag-usap ng kaniyang abuelo noong nabubuhay pa lamang ito, she felt nostalgia all of the sudden.

"Kakampi mo ako paps" pang-uuto niya sa don, nanatili pa rin ang mapanudyong ngisi sa labi niya na mas ikinasimangot ng matanda. Ngayon lang siya muling naging komportableng kumausap sa ibang tao maliban sa pamilya at mga kaibigan niya. Maybe because she saw her lolo in don Henry.

"Inuuto mo ako ngayon Charles. I thought you are a good man who can't dare to hurt this handsome young don in front of you" madramang ani ng matanda "Pasalamat ka at ikaw ang magdadala sa akin ng apo kaya hinahayaan kitang api-apihin ako"

"Hindi kita inuuto paps"

"I don't believe you" pagtatampo kunyari ng matanda na ikinatawa niya. Ngumiti ito sa kaniya kalaunan "You should take your breakfast"

"Sige po"

Pumunta siya sa kusina ng mansyon at nadatnan ang kapatid na lalaki ni Yna na umiinom ng tubig, from the look of it, katatapos lang nitong kumain. He's wearing a policeman uniform that perfectly fits on his well built masculine body.

Iniling niya ang ulo sa kabaliwang iniisip. Why would she compliment the prude guy. She must be losing her mind. Gutom lang siguro.

She opened the refrigirator at kumuha roon ng ulam, hindi niya pinansin ang lalaki na nasa bandang faucet ng dining.

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon