CHAPTER FOUR

230 8 0
                                    


"BAKIT hindi mo kaagad sinabi sakin Charles na ginanun ka pala ni Thomas?" nagtatagis ang bagang na anas ng Don Henry sa kaniya "Kung hindi pa sinabi sakin ni Yna ang nangyari, hindi ko pa malalaman"

"Ayoko lang pong mas lalong maging magulo ang lahat, paps" nakayukong sagot niya wari ba'y isang tutang pinagalitan ng kaniyang amo pero sa ilalim roon nagbubunyi na ang kaniyang kalooban. She wonder, ano kaya ang magiging reaksyon ni Thomas kapag dumating na ito galing trabaho at sasalubungin ito ng don ng sermon. She can't wait to see him miserable.

Bumuntong hininga ang matanda "Charles, if this will happen again, don't hesitate telling us" the old man tap her shoulder "Huwag kang mag-alala at tuturuan ko ng leksyon si Thomas, habang tumatagal ay mas lalong naging matigas ang ulo ng batang iyan" hinilot nito ang sentido "Hindi ko na alam kung paano ko diisiplinahin ang batang iyon"

Pinahina niya ang boses nang magsalita "Paps, sa tingin ko po, hindi magandang ideya na pagalitan niyo po si Thomas, baka po mas lalo po akong pag-initan ng ulo niyon"

"Huwag kang mag-alala Charles iho, hindi ka na makakanti ng batang iyon"

"Puwede ko ho bang malaman kung papaano niyo po paparusahan si Thomas?" may pag-aalinlangan niyang tanong.

The old man sigh "If there's one thing I consider as Thomas weakness that would be money" napakunot ang noo niya sa sinabi ng matanda "If he has no money, there's no night outs for him, and no night outs would only mean no girls to play with"

Napayuko siya upang maitago ang pagsilay ng isang ngisi sa kaniyang labi. Nagdiwang ang kaloob-looban niya sa narinig.

"Oh, but Paps, I'm sure if Thomas will know about that he'll go livid"

"Hm, he will. I froze all his accounts last month dahil nakikipagbugbugan ito sa mga lasing sa isang bar na pinuntahan nito, buti nalang hindi nagsampa ang mga lalaki ng kaso sa kaniya, and now, I'll froze his account once more" bumuntong hininga ang matanda bago nagpatuloy "Yna and Thomas may think that I don't care about them but it is the other way around, mahal ko ang mga apo ko Charles. But they just can't feel it. I admit, controlling ako at diktador pero lahat ng mga ginagawa ko ay para rin sa kanila. I'am not getting any younger so I want them to settle down. Maybe I'm doing it all wrong"

Nabalot ng awa ang kaniyang puso para sa matanda. Nilapitan niya ang matandang Don "Paps, para sakin isa ka sa pinaka-best na abuelo sa mundo. Siguro sa ngayon hindi pa nakikita o naiintindihan nina Yna ang ginagawa mo but surely maiintindihan rin nila balang araw"

"I'm glad to know that there is someone who thinks that way"

After the talk she had with Don Henry, Veatrice went to the bathroom to make a call to her parents upang kumustahin ang kalagayan ng kaniyang kambal.

A few rings and her mother answered

"Vea?"

"Mom, kumusta na kayo riyan? Kumusta si Charles?" bungad na tanong niya sa ina sa kabilang linya.

Her mother let out a heavy sigh "He's still asleep, sabi ng doctor successful naman daw ang operasyon but may instances lang talaga na hindi kaagad nagigising ang pasyente pagkatapos"

"Hm, keep me updated mom kung kailan magigising si Kuya"

"Sure" her mother answered "How about you, maayos ka lang ba diyan sa Pilipinas?"

"Ahm, oo naman" pagsisinungaling niya.

"How about your business?" the question made her think. Hindi naman niya nakakalimutan na may business siyang dapat sa ngayon ay inaasikaso niya pero hindi pa siya nakakakuha ng tiyempo na makalabas mula sa mansyon ng mga Scott, she knew kung lalabas man siya, gigisahin siya ng lahat.

The "SHE" GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon